Lean on me and I'll rescue you. Because no matter how much I want to hate you, I just can't do it. "MAY meeting daw ang mga teachers ngayon. Wala tayong klase." Nagsimula nang magsigawan ang mga kaklase kong hapit sa walang pasok. Nakakapagtakang natatawag nila ang sarili nilang estudyante gayong mukhang ayaw naman nilang mag aral. "Mamaya nalang tayo bumalik sa mga dorm natin. Dito muna tayo. Nakakatamad namang magkulong sa kwarto, eh." Nanatili lamang din naman akong nakaupo habang sila Chloe ay nag uusap. "Kreios saan ka pupunta?" Napatingin kami nang biglang sumigaw si Bellona. Nakatayo ito at tinatangkang sundan ang papalabas na si Kreios pero pinipigilan siya nito. Halatang nagmamadali si Kreios. Anong mayroon? "Don't follow me, Bellona." Napakunot ang noo ko nang mapansin kong

