Kabanata 15

1493 Words
Ryder's PoV “Miss Fiona,” anang isang babae na nasa five feet ang taas. Nasa middle thirties ang babae at nakasalamin. Hanggang balikat ang buhok nito. “Claire,” ani Miss Fiona na nakaupo sa leather chair nito. Nabasa ko sa name plate nito na nasa ibabaw ng lamesa ang pangalan nito. Fiona Raxon/ Chairwoman-CEO. Nakaupo ako sa harapan ni Miss Fiona at nasa lamesa nito ang folder ko. Naroon ang CV ko ang diploma ko no'ng college at ang 2x2 pictures ko. “Claire, nag-aapply siya bilang IT Technician at dati siyang intern dito noong college. At hindi siya para sa position na iyon.” Seryoso itong tumingin sa akin. “I want you to become my assistant and if you're willing to accept my offer you can start now.” Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko naman alam ang aking gagawin. “Ayaw mo ba sa inaalok sa iyong trabaho ni Miss Fiona?” tanong sa akin ni Claire. “Ma’am, wala pa kasi akong experience at isa pa… wala naman akong alam sa… pagiging executive assistant,” nahihiyang pang-aamin ko rito. “Claire, iwan mo na lang muna kami ni Mister Arandrea.” Ngumiti si Miss Fiona dito at ganoon din ang babae. Isinara nito ang pinto at naiwan akong tahimik na nakayuko lang ang ulo. “Binasa ko ang CV mo at sa nakikita ko gusto mo talagabg umangat sa buhay, ‘di ba? Ang mga taong katulad mo na may dedikasyon sa trabaho ang kailangan ko, Mister Arandrea. Kanina, hindi ka nagdalawang-isip na tulungan ako kahit na hindi mo ako kilala. Hindi mo rin inisip kung ano ang p'wedeng mangyari sa iyo. Mister Arandrea, gusto kitang bigyan ng trabaho at pagkakataon para baguhin ang takbo ng buhay mo. Malayo ang biniyahe mo para lang makapunta rito kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibinibigay ko sa iyo,” seryoso at makabuluhang sabi nito sa akin. “Gagawin ko ang best ko, Ma’am Fiona.” Nginitian ako nito at ibinigay sa akin ang makapal na files. “Naroon ang office mo.” Itinuro nito sa akin ang isang pinto na karugtong ng office nito. “Welcome sa Raxon Corporation, Mister Arandrea. Alam kong kaya mo iyan, katulad ng motto mo sa buhay, walang impossible sa taong may pangarap.” Iniyuko ko ang aking ulo sa harapan nito. “Maraming salamat, ma’am.” “Miss Fiona na lang ang itawag mo sa akin, Ryder. Sige na, magtrabaho na tayo.” Sinimulan na nitong basahin ang nakatambak na files sa harapan nito. Mabilis ko namang tinungo ang office ko. Pinag-aralan ko ang trabaho ng isang executive assistant, gumawa ako ng schedule ni Miss Fiona, inayos ko ang meetings nito ngayong buwan at sa nakita ko sa computer, may mga emails ito na galing sa Milano's Corporation ngunit rejected ang lahat ng iyon. Napapailing ako tuwing nababasa ko ang Milano sa emails. Ngunit kailangan kong gawin ang aking trabaho. Gusto kong mapatunayan ang aking sarili kay Miss Fiona na kaya ko ang aking trabaho at hindi nito pagsisihan ang pag-aalok nito sa akin sa posisyon na iyon. LUMIPAS ang mga araw, linggo at buwan, nagagamay ko na ang aking trabaho, sumasama ako sa mga meetings ni Miss Fiona. Hinahayaan din niya ako na magbigay ng mga ideas ko. Hanggang sa isang araw kinausap ako ni Miss Fiona. “Ryder, gusto mo bang magtrabaho sa company namin sa Canada?” Nagtataka akong tumingin dito. “Ba-Bakit ako, Miss Fiona?” Mabait siya sa akin, naging kaibigan ko si Miss Fiona at siya rin ang nagbigay sa akin ng matitirahan kong apartment dito sa Makati. Hindi nababawasan ang perang ibinibigay ko sa aking mga magulang buwan-buwan dahil sinasagot ni Miss Fiona ang lahat ng mga pangangailangan ko. “Ryder, kailangan ko ng tulong mo. Alam kong kaya mong i-handle ang negosyo namin doon. Dodoblehin ko ang sasahurin mo kapag pumayag ka,” pakiusap nito sa akin. “Hindi mo naman iyon kailangang gawin Miss Fiona. Tatanggapin ko ang inaalok mo sa akin na trabaho.” Gusto ko na ring lumayo upang tuluyan kong makalimutan si Nomi. “Aayusin ko na ang mga papers mo, Ryder. Maraming salamat.” Hinawakan ko ang kamay ni Miss Fiona at nagulat ito sa ginawa ko. “Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo dahil binago mo ang buhay ko.” Usap-usapan sa opisina ang pagiging close namin ni Miss Fiona. Alam kong may pagtingin siya sa akin kaya niya ako tinutulungan. At hindi ako nag-take advantage doon dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya at isang nakakatandang kapatid. Ten years ang agwat ng edad namin ni Miss Fiona. Hinila nito ang kamay nitong hinawakan ko at saka ngumiti. Nagkamot ako sa batok at tinalikuran ito. “Sabihin mo na lang kung kailan ang flight ko, Miss Fiona.” Hindi na ito sumagot sa akin. Bumuga ako ng hangin at malungkot na ngumiti. Tatawagan ko na lamang ang aking pamilya at ipapaliwanag kung bakit kailangan kong umalis at magtrabaho sa malayo. ISANG araw bago ang flight ko patungo sa Canada. Nagpunta kami sa mall ni Miss Fiona para bumili ng mga kailangan kong damit. Pumili ito ng mga magagandang business suits, neckties, makakapal na jackets at mga bagong sapatos. Gusto kasi nitong na maging presentable ako sa meetings na dadaluhan ko sa Canada. “Kailangan bumalik ang tiwala ng mga investors sa Raxon Corporation, Ryder. Ayokong bumagsak ang negosyo namin dahil marami tayong mga kababayan doon na maapektuhan.” Habang tumatagal mas nakikilala ko si Miss Fiona, busilak ang puso nito para sa ibang tao. Masiyado itong mabait kaya naabuso. “Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya Miss Fiona.” Nginitian ko ito at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakasunod sa amin ang security mens nito na may malalaking pangangatawan. Habang naglalakad kami patungo sa escalator sa third floor ay nahagip ng aking mga mata ang poster ng Milano Corporation, naroon si Nomi at kayakap si Lyndon. Natigilan ako sa paghakabang at ikinuyom ang aking mga kamay. Napansin ni Miss Fiona ang ginawa ko. “Kilala mo ba sila?” Umiling ako rito at pinilit na ngumiti. “Sila ang tinatawag ngayon na billionaires young generation dahil parehong businessman ang mga magulang. Ang Vicosta Wirings at Milano's Corporation,” pagkukuwento ni Miss Fiona. “May pupuntahan pa ba tayo, Miss Fiona?” pag-iiba ko ng usapan. “Diretso na tayo sa bahay para maayos ang mga gamit mo, Ryder. Kialangan mo ring tawagan ang pamilya mo,” nakangiting sabi nito sa akin. Inalalayan ko siya na makasakay sa loob ng van. Uminom muli ito ng gamot at isinandal ang likod sa inuupuan. “Napagod ka ba, Miss Fiona. Sabi ko naman sa iyo na kaya ko namang mag—” Hinawakan nito ang aking balikat. “Okay lang ako, Ryder. Ayokong pumili ka ng mga damit na hindi naman bagay sa iyo,” pagbibiro pa nito sa akin. “Salamat sa tulong mo sa akin Miss Fiona. Hindi ko kayang suklian ang mga ginawa mong kabutihan para sa akin at para sa akong pamilya.” “Masaya akong makatulong sa taong minsang nagligtas sa aking buhay. Gusto kong tulungan ka para magawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin. At para matupad mo ang mga pangarap mo.” “Miss Fiona…” “Inalam ko ang lahat tungkol sa iyo, Ryder. Ayokong itanong kung bakit hindi ka pinakasalan ni Nomi dahil private life mo na iyon. Ngunit sa mga nalaman ko tungkol sa iyo, naisip ko na dahil sa estado ng mga buhay ninyo. Ryder, tutulungan kita na makamit ang mga bagay na gusto mo. Alam kong hindi mo pababayaan ang kompanya na itinaguyod ko. At ipagpapatuloy mo ang mga bagay na nasimulan ko.” Hinawakan ni Miss Fiona ang aking kamay at pinisil iyon. “Kaunting panahon na lang ang ilalagi ko sa mundo. Gusto kong gumawa ng isang bagay na alam kong hindi ko pagsisihan sa huli. Alam mo na may pagtingin ako sa iyo, noong dumating ka binago mo ang lahat. Nagkaroon ng saya ang office, nagkaroon ng kulay ang buhay ko at binigyan mo ako ng pag-asa para magpatuloy sa buhay. At higit sa lahat tinuruan mo akong mangarap.” Tumulo ang luha sa mga mata nito at niyakap niya ako sa loob ng van. “Pumayag kang magpakasal sa akin… at ibibigay ko sa iyo ang lahat.” Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Paano ko magagawang pakasalan ito kung nagpapaalam na ito sa akin ngayon? “Pag-isipan mong mabuti…” humihingal na sabi nito bago kalasin ang pagkakayap sa akin. Humilig ito sa aking balikat. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito. “Hindi ka pa mawawala sa mundo. Marami ka pang mga bagay na ituturo sa akin, Miss Fiona.” Narinig ko ang paghikbi nito. Napamahal na ito sa akin bilang kaibigan at hindi ko matatanggap kung may mangyaring masama dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD