Kabanata 17

1496 Words
Nomi‘s PoV “PINAPANOOD mo na naman ang interview ni Ryder Luther Arandrea sa computer mo?” tanong sa akin ni Jyne na matalik kong kaibigan. Naabutan niya ako na pinapanood ang latest interview ni Ryder sa isang TV Station sa Canada. Nandito kami ngayon sa loob ng apartment ko at kakatapos ko lang ihanda ang mga reports na ilalatag ko mamaya sa harapan ng board members. Kailangan kong galingan ang presentation upang hindi mapunta sa iba ang pamamalakad ng kompanya na pinaghirapan na ipatayo ng aking mga magulang. Noong nakaraang taon pumanaw ang aking ama dahil inatake ito sa puso dahil kay Lyndon. Nasa Singapore ako nang mangyari iyon dahil nakikipag-usap ako sa mga dating investors at suppliers na tumalikod sa aming kompanya simula nang si Lyndon na ang namahala. Sa ngayon, mag-isa ko na lamang pinapatakbo ang Vicosta Wirings. At hindi ko na alam kung ano ang kahihinatnan ng mga sakripisyong ginawa ko. Si Mommy na lang ang tanging mayroon ako ngunit kakampi naman ito ni Lyndon sa lahat ng bagay. Ang akala ko magiging tahimik ang buhay ko katulad ng pangako ng mga ito na hindi na guguluhin kahit kailan ang pamilya ni Ryder kapag sinunod ko ang utos ng aking mga magulang ngunit nagkamali ako. Naging tahimik nga buhay ni Ryder ngunit hindi naging ganoon ang buhay ko. Pagkatapos ng aming kasal ni Lyndon, sunod-sunod na ang naging problema sa sarili naming kompanya. Huli na nang malaman kong buntis ako sa anak namin ni Ryder nang makunan ako habang nasa airport ako at patungo sa Cebu. Kung nalaman ko lang ng mas maaga ang tungkol sa pagbubuntis ko… sana may anak akong kakampi ko sa lahat ng bagay. At may nagpapalakas ngayon sa loob ko. Sa nakalipas na limang taon, nakapasan sa balikat ang malaking responsibilidad sa kompanya. Hindi tinupad ni Tito Joseph ang kanyang pangako. Walang merging ba nangyari, walang expansion at walang partnership. Hindi pumayag si Tito Joseph na isalba ang aming kompanya dahil masiyadong malaki ang pagkakautang ng aking pamilya kina Tito Joseph. Ang akala nila mapapayag nila ako magsama kami ni Lyndon bilang mag-asawa sa iisang bahay. Ang gusto nila mabigyan ko sila ng apo, ngunit hindi ako pumayag. Pagkatapos ng kasal tumira na ako sa apartment na pagmamay-ari ng pamilya ni Jyne. Hindi rin ako mapilit ni Lyndon na sumama rito dahil marami akong hawak na baho nito. Isang sc@ndal video na nakuhanan sa bar, ang pagsusugal nito sa c@sino at ang paggamit nito ng ipinagbabawal na g@mot. “Ibang-iba na siya, Jyne. Hindi na siya ang lalaking nakilala ko, hindi na siya ang dating si Ryder,” naluluhang sabi ko sa aking kaibigan. “Mahal mo pa rin ba siya?” malungkot na tanong nito sa akin. “Hindi naman iyon basta-basta nawawala. Siya pa rin naman ang laman ng puso ko, Jyne. At kahit na mali dahil sa paningin ng lahat kasal na ako at isa na akong Misis Milano.” Malungkot na isinara ko ang computer ko. “Hindi ko na siya maaaring mahalin kahit na gusto ko.” Niyakap ako ni Jyne at saka nito hinawakan ang aking kamay. Alam kong naaawa siya sa sitwasyon ko ngayon. “Makakapag-move on ka rin, Nomi. Ang mahalaga nagawa mong protektahan si Ryder sa mga magulang mo at sa kay Lyndon. Masaya na siya ngayon sa Canada bilang isang businesman at entrepreneur. Malayo na siya sa iyo at sa tingin ko naman nakapag-move on na rin siya. Masaya siya sa mga interview niya at kapag nababanggit ang lovelife niya palagi niyang sinasabi na may special person siya sa buhay niya. Kalimutan mo na siya Nomi at mag-focus ka sa sarili mo. Siguro nga talagang hindi kayo ang itinadhana para sa isa’t isa. Ang mabuti mong gawin ngayon magpakatatag ka at palakasin muli ang Vicosta Wirings para makalaya ka na sa asawa mo at maituloy mo na ang annulment ninyo,” nakangiting ani Jyne na pinapalakas ang loob ko. “Salamat, Jyne. Pinapalakas mo ang loob ko. Hindi ba may gig pa kayo ng banda mo mamayang gabi? Bakit hindi ka na lang matulog?” Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Isang band vocalist si Jyne at may sariling bar sa Pangasinan. Nagpupunta ako roon kapag gusto kong mapag-isa. “Ihahatid na lang muna kita sa office mo.” Mabilis akong umiling dito. “Susunduin ako ni Lyndon, Jyne. Pareho kasi kaming pupunta ngayon sa kompanya para ayusin ang dapat naming ayusin. May shares siya kaya parte siya ng board members,” malungkot na paliwanag ko rito. “Darating din ngayon iyong anonymous husband ni Misis Raxon ‘di ba?” Huninga ako nang malalim dahil isa pa iyon sa mga iniisip ko. Malaki ang shares ni Miss Fiona sa aming kompanya at nabalitaan ko na namatay na ito at sa asawa nito mapupunta ang shares nito. “Sana nga makasundo ko siya Jyne. Mabait si Miss Fiona at wala kaming naging problema. Sana nga lang ganoon din ang kanyang asawa.” Binitbit ko na ang bag na kinalalagyan ng aking laptop at ang folder na nasa lamesa. “Aalis na ako. Wish me luck, Jyne.” Malapad kong nginitian ang aking kaibigan. “Kaya mo iyan, Nomi. Tawagan mo lang ako kapag may masamang ginawa sa iyo si Lyndon at tatawagin ko na ang tropa ko.” Natawa na lamang ako ng mahina sa naging asal nito. Pinagsuntok pa nito ang palad sabay senyas sa leeg. PAGLABAS ko ng apartment building ay nakita ko na kaagad si Lyndon. Nakasandal ito sa bagong bili nitong Rolls Royce na kulay itim. “Ang sabi ko sa iyo sa bahay ka na tumira,” sabi nito nang makalapit ako. “Ayokong tumira sa bahay ng isang demonyong katulad mo,” matapang na sagot ko rito. Nakakalokong tumawa ito. “Asawa mo ang tinatawag mong demonyo, Nomi.” “Sa papel, Lyndon. Hindi mo ako kailanman naging asawa… tandaan mo iyan.” Hindi ako pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Lyndon. Sumakay ito sa sasakyan at hinintay ako na makapasok. “Hindi nga kita kailanman naging asawa Nomi ngunit sa mata ng lahat, asawa kita. Kaya huwag kang gagawa ng isang bagay na ikakagalit ko, naiintindihan mo ba?” Napangisi na lamang ako na binalingan ito. Natatakot ito na magkamali ako dahil ikakasira iyon ng perfect image ng pamilya nito. PAGDATING namin sa Vicosta Wiring Company ay napansin ko kaagad ang isang Porsche Cayenne SUV na naka-park sa harapan ng building. Itinabi ni Lyndon ang sasakyan nito sa porsche. Bumaba naman ako ng sasakyan ni Lyndon at saka pumasok sa loob ng building namin. “Good morning, Ma’am Nomi and Sir Lyndon. Nasa conference room na po pala si Mister Raxon,” ani Jingle ang secretary ko na siyang kumuha sa mga hawak ko. Dumiretso kami sa elevator at pinindot nito ang twelve floor. “Jingle, sa kanya ba iyong bagong sasakyan sa labas?” iretableng tanong ni Lyndon. Mukhang natapakan yata ni Mister Raxon ang ego ni Lyndon. “Yes, sir. Binabatayan pa nga ho ng bodyguards niya iyong sasakyan niya,” sagot naman ni Jingle dito. Nauna akong lumabas ng elevator. Sumunod ni Lyndon sa akin at ito na ang nagtulak sa pinto ng conference room. “You’re late, Misis Milano!” Napapitlag ako sa baritong boses ng lalaking nakatalikod sa direkyon ko. Bumilis ang t***k ng aking puso. Ang boses na iyon… ang boses na palagi kong naririnig sa international business interview… ang may-ari ng boses na limang taon kong hindi nakita ng personal. Pumihit ito at seryosong nakatingin sa akin. “Ry--- Ryder?” mahinang usal ko. Namasa ang aking mga mata habang nakatingin dito. “Ikaw ang anak ng may-ari ng Vicosta Wirings pero ikaw ang nahuhuli sa meeting? Kaya pala bumabagsak ang kompanya na ito dahil sa kapabayaan mo? Misis Milano?” sunod-sunod na malamig nitong tanong sa akin. Hinawakan ni Lyndon ang kamay ko. “Ryder, nagkamali ka yata ng building na pinuntahan?” Umupo ito sa swivel chair at nag-cross legs. Napatingin ito sa anim na board members na nasa loob ng conference room. “Lyndon, hindi mo ba kilala ang asawa ni Miss Fiona Raxon?” nakakalokong tanong ng mga ito na hindi mawala ang ngiti sa mga labi. Nagbulung-bulungan pa ang mga ito habang nakatingin sa akin. Tumingin si Ryder sa suot nitong smart watch. “Ayokong nasasayang ang oras ko kaya umpisahan na natin ang meeting na ito. Gusto kong marinig ang proposal ni Misis Nomi Milano,” seryosong sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata. Bakas ang pagkamuhi sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Ipinagdidiinan nito ang apelyido ni Lyndon sa dulo ng pangalan ko. Masakit iyon para sa akin… parang patalim na sum@s@ksak sa aking puso. Kumibot ang aking mga labi. At pinigil ko ang pagtulo ng aking luha sa mga mata. Ang lalaking minamahal ko ng labis… ang lalaking hindi ko nakalimutan… ay labis na namumuhi sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD