Chapter 15:Iwas (Part Two) Nagising akong nasa kama na ako ngayon. Kumunot ang noo ko at pipikit pa sana nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa n'on si Mommy na nag-aalalang nakatingin sa akin. May hawak-hawak pa siyang tray at dali-daling lumapit sa akin nang makitang gising na ako. "Are you alright?" Nag-aalalang tanong n'ya. "Paano ako napunta dito?" Balik ko. Iginala ko ang tingin ko habang pilit na inaalala kung ano ang nangyari. Kaso, hindi ko talaga maalala. Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing aalalahanin ko. Kapag pumipikit naman ako at pilit na inaalala, puro blur lang ang nakikita ko so useless din. "Nakita ka nalang namin na nakahandusay dyan sa may veranda mo. May galos ka nga dyan sa leeg mo eh, napaano yan?" Kumirot ang ulo ko nang may pumasok na alaala sa utak ko. Napa

