Chapter 14:Samantha Napasigaw ako dahil doon. "Why are you shouting, Ms.West?" Napalingon ako sa likod ko. Nakaramdam ako nang pag-gaan ng dibdib ko nang makita si Sir sa likod ko. Mukhang siya yung nabangga ko. Napatingin ako kung nasaan na si Samantha. Wala na sya! Napahawak ako sa dibdib ko. Para akong kinakapos ng hininga. Biglang pumasok sa isip ko yung mga nangyari dati. "Ano? Papansin ka talaga, 'no? Tigilan mo na si Shaun dahil hindi ka niya magugustuhan!" Nasa cafeteria kami ngayon nung tatlo. Sakto namang nandito si Samantha kaya nilapitan ko na agad. Siya yung makating umaaligid ng umaaligid kay Shaun. Kapal pa ng mukha na ngumiti sa akin nang makita ako. Hindi niya ba alam na gustong gusto ko siyang tirisin dahil lang sa panglalandi niya kay Shaun. "Keith." Iyon na ang

