Chapter 13:Iwas (Part One) Nagising ako na nasa kwarto na kaya tatayo na sana ako nang may kamay na pumigil sakin. Napatingin ako sa kamay ko at dun ko nakita ang kamay ni Sir na nakapatong dito. "Stay..." Akma akong tatayo nang bigla niya akong pigilan. Sinamaan ko siya ng tingin at malakas na hinawi ang kamay niya para makaupo. Wala siyang nagawa roon. "Nasaan sila?" Inis na tanong ko. "Yung parents mo ay may pinuntahang business matters dahil biglaan, yung grandparents mo naman ay umuwi na kasama sina Mom dahil sabi ko ako na ang magbabantay sayo," paliwanag nya. Titig na titig sya kaya naman nag iwas ako ng tingin. Bakit kailangan siya pa ang magbantay sa akin? Tsaka, hindi ko kailangan ng bantay! Hindi na ako bata para bantayan pa! "Makakauwi ka na, kaya ko na ang sarili ko," w

