"LOVE. . . " Naisipan kong i-text ang asawa ko. Gabi na pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Kahit isang tawag, o text ay wala. Nasobrahan naman yata ang pagka-busy nito at ni hindi man lang ako nakuhang kumustahin. O, kahit ang mga anak man lang namin. Ang sabi naman ay bawal lang magkita. Wala naman sinabi na bawal ding tumawag, o mag-text. Nandito na kami sa hotel. Nakatapos na rin kaming maghapunan. Nagpapahinga na nga si Nanay sa silid niya. Napatulog ko na rin ang dalawang bata. Kanina ay dumating iyong wedding coordinator at ang mga staff nito para ayusin na ang mga gagamitin ko para bukas sa pictorial. Mula sa wedding gown ko na maingat at metikulosong isinuot muna sa isang mannequin, na ang mga ito rin ang may dala, hanggang sa singsing, arras, cord, candle, pati nga sapato

