MAG-A-ALAS KWATRO NA ng madaling araw nang makabalik kami sa hotel. Hindi naman kalayuan ang biyahe, pero dahil marami-rami rin ang nainom ni Dos ay mabagal lang ang patakbo nito ng sasakyan para siguraduhin na ligtas kaming makakarating. Isinuhestiyon ko nga na sa white house na lang din kami matulog, tutal ay naroon naman ang mga kaibigan namin. Hindi na 'ika ko bale na hindi namin magamit ang free hotel accommodation, kung hindi na talaga nito kayang mag-drive, kaysa naman madisgrasya kami sa daan. Sunduin na lamang 'ika ko namin sina Nanay bukas sa hotel kapag nakapahinga na kami. Ngunit hindi ito pumayag. Kaya niya naman daw. Nag-iingat lang. Kung doon daw kasi kami matutulog ay tiyak na hindi lang siya patutulugin ng kakulitan ng mga kaibigan niya dahil pa rin sa hindi pagbalik mu

