HANGGANG SA MAKAPASOK ako sa loob ng silid ay hindi pa rin napalis ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang kapilyuhan ng asawa ko. Grabe! Parang nararamdaman ko pa rin ang lagapak ng palad nito sa pang-upo ko. Kahit kailan talaga! Napakapilyo! Pero kahit na papaano ay nagpapasalamat pa rin ako dahil napahinuhod ko ito, at hindi na nangulit pa nang husto. Dahil kung nangyari iyon, panigurado na wala rin akong magagawa dahil itong katawan ko, parang may sariling isip. Marunong kumilala ng amo. At isa lang ang kinikilalang amo. Si Dos lang. Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ng silid ay hindi ko na napigilan ang literal na mapanganga. Kung maganda ang receiving area ng honeymoon suite na inilaan sa amin, ay masasabi ko na hindi rin naman pahuhuli ang mismong kwarto

