Chapter 136

2110 Words

"YES, YES, PLEASE. THANK YOU." Inagaw ng tinig na iyon ang natutulog kong diwa. Si Dos. Hindi ako maaaring magkamali. Kahit natutulog ako ay hindi ko maipagkakamali ang tinig nito sa iba. At may kausap ito. Nangunot ang noo ko. Awtomatikong umunat ang isang braso ko upang kapain ng kamay ko ang parte ng higaan kung saan ito nakahiga kagabi--or technically, kaninang madaling araw, nang sa wakas ay magpasya na kaming matulog. Yes. Madaling araw na kami natulog. Pero wala naman kaming ginawa maliban sa mag-asaran at magkwentuhan, halos buong magdamag. Tila binawi namin sa loob ng isang magdamag ang ilang araw at gabi na hindi kami nito nagkasama at naka-usap. Oh, well, kung kami lang talaga ang masusunod ay gusto namin pareho ng higit pa roon, kung hindi lang namin talaga inaalala ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD