Chapter 135

5000 Words

"HINDI KO NAMAN TALAGA GUSTONG UMALIS NOON. . ." Panimula ko. Sinundan ko pa iyon ng isang malalim na buntong-hininga upang papagluwagin ang sa pakiramdam ko ay naninikip pa ring dibdib ko, dahil sa labis na pag-iyak kanina. Nakasandal ako sa dibdib ni Dos habang ito naman ay nakalapat ang likod sa headboard ng malapad na kama. Kapwa kami nakaupo sa ibabaw niyon. Nakapaikot ang isang bisig ng lalaki sa katawan ko, na para bang makakawala ako kung hindi nito gagawin iyon. Panaka-naka ay pinapatakan ako nito ng masusuyong mga halik sa gilid ng aking ulo. Kung minsan sa noo. Tila nais na ipabatid na naroon lamang ito sa aking tabi, at hindi ako iiwan, ano man ang mangyari. Hindi ako nito tinigilan ng pag-alo kanina hanggat hindi ako tuluyang tumatahan. Panay din ang pagpa-paalala nito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD