Seducing the Casanova (Seducing Series #3)
SEDUCING THE CASANOVA [R18+]
Part 3 of Seducing Series
Written by: yumeqt
Si Vera ay isang babae na palagi nalang sinusunod ang kagustuhan ng kaniyang pamilya—kasama na doon ang mamahala sa kanilang hotel sa Antipolo.
Ano ang mangyayari kung humiling muli ang mga magulang sa kaniya ng isang bagay, ang magpakasal sa isang lalaking hindi niya pa nakikita o nakakausap manlang para isalba ang business nila. Susundin niya ba ang kagustuhan nila? O pipiliin niya nang tumanggi para sa kapakanan niya?
Paano kung sa araw na malaman niya na gusto ng pamilya niyang ipakasal siya sa ngalan ng kanilang pangalan ay makatagpo siya ng isang lalaking babago sa buhay niya?
Si Zeus ay isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang makipaglaro sa mga babae. Palagi itong laman ng bar—dahil na rin sa hindi nito alam kung saan igagasta ang kaniyang yaman, at walang araw na wala itong kinakamang babae. Ngunit kagaya ni Vera ay parehas silang gusto ng kanilang pamilya na matali na.
Tatanggapin kaya ni Vera kung magkaroon ang lalaki ng alok sa kaniya upang masalba ang kanilang mga sarili? Ano ang kalalabasan kung ganito nga ang mangayayari?
Magtatagumpay kaya sila? O mahuhulog rin sila sa kani-kanilang mga bitag?