Conference
Just like what she said, the car that we're gonna use to go to the venue is already prepared. Sinalubong kami kaagad ng ilang mga bodyguards kasama na rin ang magiging driver ko para sa gabing 'yon.
Adalyn is just beside me. Nananahimik lang ito doon na para bang nagmamasid sa paligid niya.
"Tara na po, ma'am?" my driver asked. Inilahad nito sa akin ang kanang kamay niya. Tumango ako dito at t'yaka tinanggap 'yon.
He carefully assisted me to enter the backseat of the car. Maging ang dulo ng dress na suot ko ay siya ang nag-ayos papasok upang hindi ito madumihan.
"Thanks," I said and smiled. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ng batang lalaking driver na 'yon dahil sa sinabi ko.
I couldn't help but smirk. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kaniya hudyat na isara na niya ang pintuan ng kotse sa tabi ko na siya namang ginawa niya rin kaagad.
Adalyn sat on the passenger seat, habang ako naman ang naiwan sa likod na mag-isa. Hindi na rin nagtagal at nagsimula nang magmaneho ang driver papunta sa venue na siyang pupuntahan namin.
The ride took half an hour before we finally arrived. Hindi ko rin napansin kaagad na nakarating na kami dahil abala ako sa pagkalikot ng cellphone ko.
I was busy checking my notifications and messages when Adalyn called me out. Agad akong mapatingin sa kaniya nang marinig ko siyang magsalita only to find out that we've arrived.
"Ma'am, andito na tayo. Saan niyo po ba gustong bumaba?" she asked.
Nangunot ang noo ko nang marinig 'yon sa kaniya. I removed my phone from my hand while not breaking our eye contact. Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.
"Why are you asking me that?" I asked with so much confusion, pero hindi nawala ang sarcasm sa boses kong 'yon.
Is she seriously asking me that kind of question? Saan ba sa tingin niya kami bababa?
"Ma'am kasi... madami pong paparazzi sa harapan ng venue. We can use the other entrance at the back of the venue for less exposure, unless it's okay for you to be the center of attraction?" tanong ni Adalyn sa akin.
I was caught off guard by the sound of her voice and the way she said those words at me. Parang sa isang iglap ay hindi ang mahinhin at loser na Adalyn ang nakikita ko.
She seems like a different person, I like it.
Instead of feeling pissed and embarrassed because of what she said—na para bang pinapahiya niya pa ako lalo na't sa harapan ng driver na kasama namin sa loob ng kotse ay napangiti pa ako.
This is what I like about her. She seems... innocent yet she screams of power. She's really the only person who's suited for the job. May pagkakaparehas kaming dalawa dahilan para nagagawa kong matuwa sa kaniya.
"You really don't know me that much yet, huh Ada?" nakangising sabi ko habang nakahawak sa hawakan ng pintuan ng kotse.
Nakita ko kung paano bumaba ang mga tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa handrail ng kotse.
Slowly, I opened the door of the backseat beside me. Napansin ko pa na gustong umalis ng driver sa inuupuan niya upang tulungan ako pero agad ko siyang iniling-ilingan para pigilan. Wala naman na siyang nagawa kun'di ang maupo nalang muli at hayaan ako.
Adalyn on the other hand, is also observing my every move. Imbes na pansinin pa sila ay sinuot ko nalang ang sunglasses ko bago tuluyang tinulak ang pintuan ng kotse.
When I got out of the car, flashes of lightning from different cameras surrounding me, welcomed me.
Agad ko silang nginitian at marahan na kinawayan. I also posted gracefully for the clicking cameras.
Hindi muna rin ako naglakad papasok at nanatili lang muna doon. Wala pang isang minuto ay ang sumunod naman na lumabas mula sa kotse namin ay si Adalyn na agad na tumabi sa akin.
Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman ko ang biglaan niyang pagdikit sa akin. She hooked her hand on my left arm and snaked around like some sort of an animal. Gusto kong ngumiwi nang mga oras na 'yon pero hindi ko nagawa.
Not now, not while the cameras are all on us.
Kahit na gustong-gusto kong bawiin ang braso ko sa pagkakakapit niya ay hindi ko ginawa at pinigilan ko ang sarili ko. I just leaned at her ear to whisper something instead of actually showing that we're having a commotion.
"What are you doing?" tanong ko sa kaniya na may halong diin sa boses ko. Napatingin siya sa akin.
"A-ang daming tao," she said, stuttering. Sa likod ng salamin na suot ko ay napairap ako nang marinig 'yon sa kaniya.
She is afraid of cameras and crowds? Hindi ko pala siya pwedeng isama sa mga ganitong parties. Baka mamaya ay mautot nalang 'to sa sobrang kaba.
Imbes na sumagot ay hinayaan ko nalang siya. Cameras are still flashing around pero hindi ko na hinayaan pa na makuhanan nila kami ng sandamakmak na litrato.
I initiated the walk, na siya namang natunugan ni Adalyn at sinundan nalang rin ako. We're both walking while her arm is hooked on mine. May dalawang bodyguards rin na sumasabay sa paglalakad namin na nakapwesto sa magkabilang gilid naming dalawa.
"Ang dami talagang tao, puro mamahalin!" Adalyn exclaimed when we finally entered the venue.
Napalibot din ako ng tingin sa paligid nang dahil sa sinabi niyang 'yon and I couldn't agree more, the people around are screaming of money.
As expected, karamihan sa mga invited sa party na 'yon ay pamilyar na ako. Sa bawat sulok ay nandoon ang kilalang mga business people, actresses, tycoons, and even those people who we're proudly and loudly screaming their names on social media—mga influencers.
"I thought you're afraid of people? Kung maka-wow ka diyan ay parang natutuwa ka pa na makita sila," pagtataray ko kay Adalyn. She looked at me and awkwardly smiled.
"Takot nga po. Kaso sino ba namang iisipin pa ang takot sa mga tao kung ang nasa paligid mo ay pwedeng-pwede kang bilhin anumang oras?" sagot niya sa akin. My mouth half opened.
Hmm... she has a point. I couldn't deny that.
This girl is getting through my nerves—but in a positive way. Palaban, nagagawa akong sagot-sagutin.
I was about to talk back at her when someone interrupted us from the crowd.
"Vera! You're here!"
Sabay kaming napalingon ni Adalyn sa direksyon ng nagsalita. I automatically forced a lovely smile when I saw a slightly familiar person.
Hindi ko kilala ang pangalan niya pero namumukhaan ko siya. I probably met him once when I'm with my parents, business meeting perhaps?
Ay, ewan.
A big and beardy man approached us. Ang pagkakangiti niya sa amin ay napakalawak na halos parang kakainin niya na kami nang buhay. He's big and well... he almost looked like a pregnant woman because of how massive his stomach is.
"Oh, hello! Good evening!" I greeted. Nakipag-beso ito sa akin na siya namang hinayaan ko nalang rin. Adalyn was just watching us from the side. Nagtama ang mga mata naming dalawa at agad na nawala ang ngiti ko at umaktong parang nandidiri.
The moment that the man distanced his face away from mine, agad kong ibinalik ang kaninang ngiti ko sa kaniya.
"It's been so long since the last time I saw you! You look..." he checked me out. "...glamorous!" pagpapatuloy niya.
"That is so kind of you," I thanked. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya kaya nagpasalamat nalang ako sa naging compliment niya sa akin.
"Buti naman ay napagdesisyonan mong dumalo sa business party na 'to. I know these are not your kind of things, these are your parents'. Is there a particular reason why you decided to attend?" he intriguedly asked sounding like a reporter. Tinitigan ko siya at nakita ko ang kagustuhan niyang malaman ang kung ano mang magiging sagot ko.
Gusto kong umiwas na sa ganitong klaseng tanong pero hindi ko naman magawa. If I ran away from questions like these, they'll just continue on asking me. And that is more annoying.
"Nothing, is there supposed to be a reason?" I faked a laugh. "Let's just say I'm kind of bored on my unit that's why I decided to attend to mingle with some people," I continued. Napataas ang isang kilay nito maging ang gilid ng kaniyang labi.
I remained smiling sweetly at him. Nanatili siyang nakatitig sa akin nana siyang sinusubukang pantayan ang mga titig ko.
"Oh, that's interesting. I thought you're with a date kaya naisipan mong dumalo. Wala ba?" malisyosong tanong niya.
Agad akong umiling habang may nakapaskil pa rin na ngiti sa labi ko. That's absurd. Hindi pa rin pala humuhupa ang issue tungkol sa lovelife ko.
Sabagay, madalas naman talaga akong may kasamang date kapag may dinadaluhang mga events. This is the first time—this month, that I didn't have any date with. Kaya natural na sa akin na tanong-tanungin nila ako tungkol sa bagay na 'yon.
"I'm still fabulous even without a date, aren't I? Kaya anong problema kung wala akong date? I could grab any guy that I want. Whenever... and wherever I want it," I said with a smirk. Halata ang magkahalong gulat at pagkabigla sa mukha niya ng dahil sa sinabi kong 'yon.
I turned my back on him without any hesitation. Nang hindi na ito sumagot pa sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis doon at iwanan siya. I left him there, dumbfounded.
Serves him right.
Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Adalyn pero hindi ko nalang siya pinansin. Tuloy-tuloy ang naging lakad ko papasok pa sa mas maraming kumpol ng tao.
"Ang cool niyo ma'am! Dapat lang talaga sa gano'ng mga lalaki, binabara. Walang respeto," Adalyn said when she caught up on me. Nanatili akong nakatingin nang diretso sa daan habang naglalakad nang marahan.
I saw a few familiar people and greeted them with a smile, they did the same to us. I even grabbed myself a glass of champagne when a waiter walked pass me.
"Thank you..." I said and winked. Agad na namula ang pisngi nito na siyang inilingan ko nalang.
"Ang lakas talaga ng karisma niyo ma'am eh, 'no?" Adalyn suddenly said beside me. Tinapunan ko siya ng tingin at inirapan.
"Shut up and drink," I answered and gave her a glass of liquor that I'm drinking. Kinunutan pa niya ako pero tinanggap niya rin naman 'yon.
Nang mapangalahatian ko ang iniinom ko ay inilapag ko 'yon sa table na nasa harapan naming dalawa, na siyang sinasandalan rin ng braso ko.
Suddenly, the crowd died as the lights started to dim. Nang tignan ko ang direksyon na siyang pinagtutuunan ng pansin ng mga guests ay napatikom ako sa bibig ko.
There's a woman—probably at her 30s, standing in front of the platform in the middle of the hall. She's wearing an elegant body hugging gold shimmering gown paired with a gold pumps. May suot rin itong kwintas, hikaw, singsing at purselas na siyang bumagay sa suot niya.
Her under the boob hazel brown hair beautifully brushes throughout her skin. And the most beautiful thing that she's wearing right now is her smile.
Who is she? I haven't seen her before. Is she an actress?
Hindi ko maitago ang pagkahamangha sa mukha ko nang mga oras na 'yon. And I know that I'm not the only one who's mesmerized with the beauty of the woman in front of me.
"What a beautiful evening, gorgeous people. It is an honour for me to meet all of you who gathered here tonight. I hope you'll have an amazing evening," she greeted. Even her voice sounds angelic.
"I think all of you are aware of this evenings' event, aren't you? This event is created as a promotional event for my son's newly launched business," she added. The crowd cheered using their hands. Gano'n din ang ginawa ko.
"Ang ganda niya 'no, ma'am? Hindi mo iisipin na may anak na siya. Kung gan'yan siya kaganda, pa'no pa yung anak niya?" Adalyn said. Napatingin ako sa kaniya.
She has a point.
I was about to look back at the woman who's still speaking when I felt my phone vibrated. Napairap ako nang maramdaman 'yon.
What now?