bc

Taste Of Love (What is Love Series 2)

book_age18+
911
FOLLOW
3.4K
READ
love-triangle
one-night stand
family
pregnant
independent
brave
tragedy
sweet
bxg
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Nalaman na lamang ni Ysabelle na isa siyang ampon. At pinalayas ng kaniyang tita sa bahay na naiwan ng kaniyang magulang. Siya ay naulila at kailangan tumayo sa kaniyang sariling paa para magpatuloy sa buhay.

Ngunit nang dahil sa hirap ng buhay kailangan niyang makahanap ng malaking pera para maka-graduate kaya naman napahamak ang kaniyang iniingat-ingatan na puri. Nang dahil sa isang one night stand na nangyari sa kanila ni Aden magbubunga ito ng dalawang anghel. Itatago niya ba ang totoo sa ama ng kaniyang dinadala o ilalayo ang mga ito at bubuhayin ng mag-isa?

chap-preview
Free preview
Prologue
  Prologue   Nagising ako na wari ko'y para bang binugbog ang aking katawan, dahil sa sakit ng aking mga hita at braso. Dama ko pa ang sakit at kirot ng aking braso, dahil sa pagkahawak ni Aden do'n kahapon na tila ba'y nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.   Hindi ko alam kung ano ang mali kong nagawa, upang tratuhin niya ako ng ganito. Tumayo na ako sa aking pagkakahiga, kailangan ko ng magluto, at papasok pa sa school ang mga anak ko.   Nagtungo ako sa banyo para maligo, ilang minuto lang ang aking tinagal sa pagliligo at tuluyan na akong natapos. Kumuha ako ng damit sa aking closet. Hiwalay ang aking kwarto sa mga anak ko na tila ba'y parang alipin lang ako sa bahay na ito.   Hindi niyo ako masisisi, dahil kahit anong hirap pa ang danasin ko basta makasama ko lang ang mga anak ko ay masaya na ako. Sabi ng iba na napaka martyr ko, pero anong magagawa ko ito ang itinadhanang buhay na ibinigay sa akin.   Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwartong inuukupahan ko. Saktong pagpasok ko sa kusina ay nakita ko si Venice na fiancée ni Aden. Dire-diretso lang akong naglakad at pumunta sa may ref para kumuha ng agahan na ilu-luto ko.   Naglabas ako ng ham, bacon, at egg para sa almusal na ihahanda ko para sa mga anak ko at kay Aden. Nang bigla na lang magsalita si Venice na inoobserbahan lang ang mga kilos ko.   "Hindi ka pa ba napapagod sa pagiging martyr mo?" mataray niyang sabi sa akin. Na parang may pangungutya sa tono ng boses niya.   "Hinding-hindi ako magsasawa, para sa mga anak ko. Kaya kung akala mo ay mapapa-alis mo ako rito nagkakamali ka," matapang na sagot ko sa kaniya. Ayokong makita niya ang kahinaan ko. Kaya naman tinatagan ko ang loob ko para itago ang nagbabagyang luha na gustong kumawala sa aking mga mata.   "Gosh napaka-boba mo talaga Ysabelle. Kung iyan ang gusto mo ipagpatuloy mo lang, pero ito lang ang masasabi ko sa'yo hindi mo maaagaw sa akin si Aden. Itatak mo sa utak mo iyan!" galit na sambit niya at iniwan na akong mag-isa sa kusina.   Nang tuluyan na siyang makaalis ay doon na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kinaya kaya naman tuluyan na itong tumulo. Hindi na ako umaasa na mamahalin ako ni Aden, kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya noon nang patago. Okay lang sa akin na mahalin siya sa malayo.   I need to be strong for my son's they need me. Kaya handang akong harapin ang lahat ng pasakit para lang makasama sila.   Nagpatuloy na ako sa pagluluto, nagprito na ako at nagluto ng fried rice para sa kanila. Pagkatapos ay hinain na ito sa hapagkainan. Hinugasan ko na rin ang mga ginamit ko. Para hindi ako mapagalitan kay Aden, baka kasi mapa-tiyempo na naman na mainit ang kanyang ulo. At baka sa akin niya pa maibuntong.   Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig na ako ng mga yabag, at paglingon ko ay nakita ko ang aking kambal na anak, at nilapitan sila. "Good morning babies," nakangiting bati ko sa kanila. Hinalikan ko sila sa pisngi at niyakap. "Good morning mommy," sabay nilang bati sa akin at tuwang-tuwa pa. Makita ko lang silang ganito kasaya nawawala ang mga problema ko, at nabubuhayan ako ng loob para magpatuloy.   "Mommy kailan natin papasyalan si Tita Ronalyn?" sabi ni Andrew habang nakahawak sa aking kaliwang kamay. "Oo nga mommy, miss na po namin siya," dagdag pa ni Asher. Na nakahaway naman sa kanang kamay ko. At nang tuluyan na kaming makarating sa dinning table. Pinaupo ko na sila at hinapagan ng plato. Titimplahan ko pa pala ng gatas ang mga baby ko.   Nang handa na ang lahat ay magana ng kumain ang mga anak ko. Pinapanood ko lang silang kumain ng mapatingin ako sa may pintuan ay nakatanaw lang sa aming mag-iina si Aden.   Naglakad siya papalapit sa akin. "Ysabelle, can we talk?" seryosong tanong niya sa akin. Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. "Yeah sure," sagot ko sa kanyan. At iniwan naming nag-aagahan ang mga anak namin. "I want you to sign this paper," diretsuhan niyang sabi, at may inabot sa akin na papel. Binasa ko ito at tila para akong nanigas sa aking kinatatayuan. Nanikip ang aking dibdib para itong pinipiga sa sobrang sakit. 'Why is he doing this, Am I not worthy to be part of their happiness? I badly want to stay by their side but, it seems like they don't need me anymore. Why my life is like a sh*t?  They always leave me and push me away. Do i deserve this kind of treatment? Ano bang nagawa kong pagkakamali para maranasan ang ganitong klase ng sakit?’  My children are my strength, anong karapatan niyang ilayo sa akin ang mga anak ko? It feels like the world has betrayed me. Hindi ako isang basura na basta basta niya na lang itatapon kung saan-saan.   Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ko hihintayin na maibalik nila ang pagmamahal na ibinubuhos ko sa kanila? I don't deserve this! Nagmahal lang naman ako... NAGMAHAL LANG AKO. Tinitigan ko sa mata si Aden, at hindi ko na napigilan ang maluha. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako para kaawaan niy,  pero hindi ko na kaya e... yung pilit mong ipinapakita sa lahat na napakasaya at napakatatag mo pero sa kaloob-looban mo ay durog na durog ka na. "Don't to this Aden, nag mamakaawa ako sa' yo, ang mga anak ko na lang ang mayroon ako. Please naman wag mong gawin sa akin 'to," saad ko at napahagulgol na ako sa harap niya, hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdam ko. Napakabigat na sa dibdib, at hindi ko na kaya pang pigilan kaya ibinuhos ko na at lumuhod pa  sa harap niya para lang hindi niya ituloy ang binabalak niya. Alam ko nagmumukha na akong desperada pero wala na akong maisip na iba pang paraan para hindi mawala sa akin ang mga anak ko.   "Buo na ang pasya ko kaya pirmahan mo na lang iyan, at umalis ka na sa pamamahay ko," saad niya, at tinignan lang ako panandalian, naglakad na ito papalayo sa akin. Nakaluhod pa rin ako habang umiiyak.   Am I too bad to suffer?   Hindi ko na alam kung saan at kanino pa ako kakapit. Durog na durog na ako, pagod na pagod na ako... What did I do to deserve this unbearable pain?   Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay tila ba'y parang naninikip ang aking dibdib, at parang kinakapos ako ng hininga sa sobrang pag-iyak hindi ko namalayan ay unti-unti na akong nanghihina. Matinis na boses na lang ng mga anak ko ang narinig ko and the next thing I knew I passed out. I could no longer handle the pain that I feel.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook