Chapter 26 Ysabelle Ashleigh Nagising ako na may humahalik sa magkabilang pisngi ko kaya naman pagmulat ng mga mata ko ay napangiti ako ng makita ko ang mga anak ko na nasa harapan ko at walang humpay ang kakahalik sa akin. “Good morning mommy,” bati nila sa akin habang nakahiga ako sa kama ko. “Wake up ka na po diyan mommy,” sabi ni Andrew ang matanda sa kanilang dalawa ito kasi ang unang lumabas sa kanila at pagkatapos ng isang minuto ay sumunod naman si Asher. “Oo nga po mommy tayo na po ‘di ba po nag promise ka sa amin na pupunta tayong mall ngayon kaya mo halika na mommy,” saad naman ni Asher na nasa kaliwa ko. Wala silang tigil sa pangungulit sa akin kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumayo na. “Opo eto na tatayo na si Mommy,” sagot ko sa

