Chapter 29 Aden Nickson Kinabukasan ay maaga akong umalis ng condo ko para sana puntahan sila Drew at Asher. Nasasabik na naman kasi akong makita sila hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin parang hindi buo ang araw kung hindi ko sila makikita. Kaya naman maaga akong gumising at nagmadali rin akong maligo para maabutan ko pa sila bago sila pumasok ng room nila. Minsan kasi hindi ko sila naaabutan dahil late na akong nakakaalis at pag dumaan ako roon ay nakasara na ang gate ng school at wala na ring nakalabas na mga estudyante. Nang makarating ako sa school ay inihinto ko na ang sasakyan ko pababa na sana ako ng may makita akong huminto na sasakyan sa tapat ng gate at bumaba roon ang isang babae kasama sila Drew at Ash. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod

