Chapter 21 Ysabelle Ashleigh Araw ng sabado ngayon kaya wala akong pasok sa school. Hindi rin ako pumasok ngayong araw na ito sa trabaho dahil nagdadalawang isip pa rin ako kung tatanggapin ko ba ang sinabi sa akin na trabaho ni Ron. Isang araw ko lang naman gagawin iyon pero hindi ko pa rin alam kung kaya ko lalo na hindi naman ako pinalaki akong mabuti nila mommy. Pero para naman sa pag-aaral ko iyon, hindi ako mapakli at palakad-lakad lang ako dito sa sala at nag-iisip pa ng ibang paraan kung paano ako makakahanap ng pera. Hindi naman ako makahiram sa mga kakilala ko lalo na umaasa pa rin sila sa mga magulang nila. Si bes naman ay kakaalis lang noong isang araw at ayoko rin manghiram sa kanya lalo na kakailanganin nila ng malaking pera para sa pagpapagamot ni Tito. Hay naiistress n

