Madalian ang ginawang pag-aayos sa mga papeles na kinakailangan para madala namin sa Amerika si Baby Ralph, at habang abala kami sa pag-aalaga sa mga bata at pag-aasikaso para sa gagawing operasyon ay hindi man lang nagpakita si Audrey hindi rin nito nagawang tumawag o magtext man lang para sana ipaalam kung nasaan ito o kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan. Marahil ay tuluyan na niyang inabandona si Baby Ralph, sino bang matinong ina ang hindi man lang nagawang magbigay ng oras para sa anak na nakikipaglaban para mabuhay? Mabuti na lamang talaga at nasa tabi ko palagi si Amber, halos araw-araw rin siyang nagpupunta sa ospital para kumustahin ang lagay ni Baby Ralph, habang si baby Dale naman ay ibinibilin niya muna kina Mommy, ngunit nitong mga nakalipas na araw ay hindi ko na mun

