3

2373 Words
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, nakita ko si Zach na nakatulog na sa couch, sa tabi ko naman ay may nakayukyok na babae, malamang si Audrey, wala naman ang Mama at Ate Beatrice ko dito sa Pilipinas, si Mommy naman paniguradong binabantayan si Dad dahil hindi pa masyadong nakakarecover yun. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, natatakot ako, baka mamaya may nangyaring masama sa baby ko, pinilit kong pigilan ang paghikbi pero hindi ko rin nagawa, napahawak ako sa tiyan ko maumbok pa rin ito, pero natatakot pa rin ako. "Ate" napalingon ako kay Adi na nakangiti ngayon sa akin. "kumusta pakiramdam mo? wait gigisingin ko lang si kuya-" nagawa ko na siyang pigilan bago pa siya makatayo. "Don't. Hayaan mong magpahinga si Zach.Mukhang kakatulog pa lang niya eh, kawawa naman hayaan mo munang makabawi kahit papaano ng lakas." "hay nako! hayaan mo lang siyang mag- alaga sa iyo mas maganda nga alilain mo na din” "Adi...ang baby ko? ok lang siya diba?" "Oo naman ate ok na siya pero bedrest ka muna mga 3 weeks daw sabi ni Doc, saka wag muna kayong mag-ano ni kuya sabi din ni Doc" ngiting ngiti ang bruha samantalang ako, hindi ko malaman kung paano itatago ang pamumula ng mukha ko, kung kanina iyak ako ng iyak ngayon naman hiyang hiya. "grabe ang pula na ng mukha mo ate- aray! bat ka ba nambabato?" binalingan niya si Zach na bagong gising saka gumanti dito, nasalo naman ni Zach ang unan na binato ni Adrienne. "Nasa ospital ka Adi napakaingay mo" seryosong sabi ni Zach sa kapatid, saka tumayo at lumapit sa akin. "Kumusta pakiramdam mo? may masakit ba sayo?" natulala ako, ako ba yung kinakausap niya? diba sa sticky note niya lang sinusulat yung mga gusto niyang sabihin sa akin? ah baka wala siyang dala nagmamadali kasi siya kagabi eh. "Oy Ate!" sa sigaw na iyon ni Adi ako tila natauhan. "Ha? Ano, Ok lang ako, wala namang masakit sa akin" "Ah ok" yun lang at umalis na siya hindi ko alam kung saan pupunta, di man lang kasi nagpaalam. Naiwan kami ni Adi dito sa private room ko, siya na lang daw muna ang magbabantay sa akin. Hindi naman ako nagtatampo kay Zach, malamang papasok pa yun sa University pasahan na kasi ng requirements para sa mga graduating tulad namin. "Ate oh, kain ka muna di ka puwedeng magpalipas ng gutom pati diet mo binabantayan na ng maigi ni Doc." Inalalayan ako ni Adi na makaupo, nakakailang subo pa lang ako ng magtanong uli siya. "Nag-aano pa rin pala kayo ni kuya?" tumigil yata ang ikot ng mundo ko sa tanong ni Adi, kelangan niya talagang kumpirmahin pa talaga sa akin ang tungkol sa bagay na yun? "Ha? ah...eh..." di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, hindi naman kasi ako sanay na pinag-uusapan ang mga ganoong bagay. "Ih...Oh...U... grabe ate, mas mapula yung mukha mo ngayon kesa kanina hahahahaha.... hay grabe! ang sakit na ng tiyan ko kanina pa...sarap niyong pagtripan ni kuya" "tsk tumigil ka na nga Adrienne. para kang baliw diyan" kunwari ay saway ko na lang, pero desidiso talaga siya sa pang-uusisa "ahahahaha naku ate ok lang yun baliw naman talaga ako eh, panu ba yan bawal daw muna kayong mag-ano ni kuya hahahaha" "Adi! Imapakta ka talaga, duduguin ako sa iyo eh" ayun dun lang yata natauhan ang bruha, natakot yata na duguin nanaman ako. "Hmp ok fine titigil na, kumain ka na uli ate para lumakas na kayo ni baby" nakangiti pa rin ito, pero sa tingin ko may iniisip nanaman tong kapilyahan eh hindi niya na lang sinabi sa akin.Lakas pa naman ng tagas ng hangin sa utak nitong bruhang to. ZACH'S POV Kakarating ko lang dito sa bahay, gusto ko sanang matulog saglit pero kailangan ko ng pumunta ng University ipapasa ko na kasi mga requirements ko para maka graduate, isasabay ko na lang din yung kay Amber kahit malabo na siyang maka-attend ng graduation. Napatingin ako sa kama, nakita ko pa dun yung bahid ng dugo, nakukunsensya tuloy ako! bat ba kasi hindi ako nag-ingat eh, nalagay pa tuloy sa alanganin yung mag-ina ko. Mag-ina ko, malalim akong napabunting hininga habang paulit-ulit kong sinasambit ang mga salitang iyon,hindi ko nga namalayan na nakangiti na pala ako habang n-inihahanda ang mga gamit na dadalhin ko bukas para kay Amber. Hindi ko tuloy maiwasang kuwestiyunin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya o kaya ay kay Audrey, tila ba ako naguluhan sa kung sino ba talaga ang mas mahalaga sa kanilang dalawa para sa akin. "Hoy Zach pare!" tawag sa akin ni Andrew, isa sa mga matatalik kong kaibigan "Oh, san ka galing? nakapagpasa ka na ba?" "Dun lang sa tambayan kanina ka pa namin hinihintay dun eh, nagyon pa lang ako magpapasa , tangna kasi si Jude umiral nanaman katangahan ng gagong yun" "bakit nanaman?" "Boplogs kasi eh, natapunan ng tubig niya ung mga requirements namin nila Harold pinatuyo pa tuloy namin. Oh eh teka bat nga ngayon ka lang? mukha kang walang tulog ah, nagduty kayo ni Amber? ayieee" pang-aasar pa nito. "Dinala ko sa Ospital si Amber kagabi. Dinugo kasi" "Ha? Eh? kumusta na siya ngayon?" "Ok na. bedrest siya atleast 3 weeks." "Hala, eh di hindi na siya makakapagmartsa nyan?" "Yeah. Lika na pasa na tayo pati yung kay Amber ipapasa ko na di eh. Asan si Harold?" "Ayan na parating na, isa pa yung puyat eh di daw kasi sinasagot ni Adi tawag at txt nya kagabi" "Kasama namin si Adi kagabi." "Kuya!!!" awtomatikong nagsalubong ang ang mga kilay ko nang marinig ang tinawag sa akin ni Harold, akala mo kung sino kung maka-kuya, magkaedad lang naman kami. Kung hindi lang to matino tututol ako sa kanilang dalawa ni Adi . "Tang na mo" sagot ko sa kanya "Tssk sungit mo talaga buti na lang di nagmana si Adi my baby sayo eh" . "Halina kayo magpasa na ta-" pambabalewala ko na lamang sa kanya, matatagalan lang kami kung pag-aaksayahan ko pa ng oras ang mga kalokohan ni Harold, nagsimula na kaming maglakad patungo sa Registrar’s Office nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumtawag sa akin "Babe!!!" nilingon ko siya, di nga ako nagkamali ng hinala si Audrey tumatakbo papunta sa amin. "Hey dahan dahan lang" sabi ko sa kanya muntik na kasing madapa dahil sa bilis ng takbo "Tsk...tsk..tsk..." narinig ko pa ang palatak ng mga kaibigan ko, alam ko na ayaw nila kay Audrey pero hindi naman nila ito pinakikitaan ng disgusto tamang pakikisama lang, maliban kay Andrew. Sa kanilang tatlo siya ang pinakagalit kay Audrey. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganun, pinsan niya si Amber at nung malaman niya na nakipaghiwalay at nabuntis ko si Amber halos masira na ang pagkakaibigan namin buti na lang naayos namin. "Babe, san ka ba galing? hindi mo sinasagot ang texts at tawag ko sayo last night. Nakakalungkot sa condo kagabi" tanong nito at yumakap sa braso ko.. "Hindi na kailangang tanungin kung nasaan siya kagabi, malamang magkasama sila ng asawa niya." "Shut up Montanez I'm not talking to you" singhal ni Audrey, napakamot ako sa noo nang maalala na dapat pala ay sa condo ako matutulog kagabi, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hindi ako nakaalis ng bahay. "I don't care, magsasalita ako kung kelan ko gusto Hindi mo hawak ang dila ko at wala kang karapatang patahimikin ako sa mga gusto kong sabihin betski" ganti naman ni Andrew "Damn you Montanez. Go to hell" nanggigigil na sabi ni Audrey medyo nakakakuha na ng atensyon tong dalawa kaya pumagitna na ako. "Pre, tama na yan" tinapunan lang ako ng masamang tingin ni Andrew saka lumakad palayo nang bigla siyang tumingin uli sa amin ni Audrey. "Tsk.... nga pala betski, hindi pa ako welcome sa impiyerno pero ikaw inaantay ka na nila doon with open arms, tingin ka sa kinatatayuan mo unti unti ng bumubuka ang lupa hindi ka na kasi nila mahintay pa kaya pinapadali na nila yung dadaanan mo papunta sa impiyerno." sigaw Andrew marami ang nakarinig sa mga sinabi niya lalo na ng ididiin niya ang salitang betski.... ibig sabihin kabit. Hindi ko makuhang magalit kay Andrew, naiintindihan ko siya kahit pagbalibaligtarin pa ang mundo mananatili ang loyalty niya sa pinsan niya. "Damn you Montanez!!! tang ina mo! hayop ka wala kang modo!!! magsama kayo ng pinsan mong kapit tuko sa boyfriend ko!!!!!!!!" nawawala na poise ni Audrey sa kakasigaw kay Andrew, marami na ring tao sa paligid at tiyak na pinag-uusapan na kami. Pilit ko na siyang pinatitigil pero hindi niya ako pinapansin. "Same to you Mistress!!!" hindi rin nagpatalo si Andrew talagang lahat ng binabato ni Audrey sa kanya kagad naman niyang ibinabalik.Nang makalayo na sina Andrew ay ako naman ang binalingan ni Audrey. "I hate uou Zachary!ni hindi mo man lang ako ipinagtanggol kay Andrew!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis ng hindi nagpapaalam. Isa-isa kong sinusuri ang mga gamit na inayos ko kagabi para dalhin sa ospital, ilang beses kong sinigurado na kumpleto ang lahat ng kakailanganin ni Amber sa ilang araw niyang pananatili doon. Kanina ay nakausap ko si Mama, nasabi ko na ao na ang bahalang magbantay kay Amber sa ospital tutal ay naipasa ko na lahat ng requirements naming dalawa, kaya pwede na akong hindi pumasok ng ilang araw. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina, galit sa akin si Audrey, saka ko na siya kakausapin pag wala na siyang sumpong, napapnsin ko lang na these past few weeks medyo nagiging moody si Audrey,nagtatampo siguro dahil hindi ko siya masyadong mabigyan ng oras masyado kasi akong busy sa University at training sa kumpanya. Nailagay ko na lahat ng gamit na kailangan namin sa bag, gusto ko muna sanang umidlip ngunit as nagingibabaw sa kin ang kagustuhan kong malaman kung maayos na ba talaga ang lagay ni Amber at ng baby, hindi ko naman maitext si Audrey dahil wala naman akong matinong sagot na makukuha sa kapatid kong iyon. Kinuha ko ang susi ng kotse at nagpasya na akong umalis. Malapit na ako sa ospital nang mapadaan ako favorite restaurant ni Amber kaya nag take-out na rin ako ng pagkain namin. Sandali lang ang inilagi ko sa restaurant kilala na rin kasi ako dito kaya alam na nila ang oorderin ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng private room ni Amber nang makarinig ako ng tawanan, may ideya na ako kung sinu-sino ang mga bisita kaya pinasya ko ng pumasok. Tama nga ako, si Andrew,Harold at Jude. Si Jude ang unang nakapansin sa pagdating ko, dahil ang magaling kong kapatid busy sa pakikipagharutan kay Harold, si Andrew naman ay ipinagbabalat ng prutas si Amber na nakahiga. "Oy pre, andyan ka na pala" "yeah, kanina pa kayo?" tanong ko sa kanila "Hindi kararating rating lang namin" sagot naman ni Harold na tumigil na sa pakikipagharutan kay Adi. Ibinaba ko na ang pagkaing itinake-out ko sa table at yung bag naman ay inilagay ko na sa cabinet, saka ako lumapit kay Amber at hinawakan ang kanang kamay niya kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa ko. "Kumusta na ang pakiramdam mo? dumating na ba si Doc? Anong sabi?" "A-ayos naman wala naman akong nararamdamang kakaiba , maya-maya pa siguro dadating si doc" "Kumain ka na? Nag take-out ako ng paborito mo dyan sa-" "Yun oh, tangna mo pre dumada moves ka nanaman ayieee" hayop na Jude to bigla biglang babanat, nagsunuran na tuloy mang-asar sina Harold at Adi. Si Andrew naman tahimik lang na naupo sa couch samantalang si Amber namumula na ang mukha sa gingawang pang-aalaska sa amin nung tatlo. "Magsi-uwi na nga kayo, saka na kayo bumalik pag ok na si Amber mabibinat lang siya dahil sa inyo eh" pagtataboy ko sa kanila. "Tsk wala akong tiwala sayo kuya, baka pag kayong dalawa na lang ni Ate dito kalabitin mo nanaman" "Andrienne Nichole!!!" sabay naming saway ni Amber sa baliw kong kapatid, kasunod nun ang malakas na tawanan ni Harold at Jude, bwisit talaga tong kapatid ko eh. "Ayun kaya naman pala, tangna pre dahan dahan kasi" ang walnghiyang Jude nanaman . "Gago. umuwi na kayo sige na, tangna niyo uwi! oy ikaw Adi dumiretso ka na ng bahay itatawag ko kay Mommy na pauwi ka na kaya wag ka ng sumama kung saan saan dyan kay Harold uwi na!!!Bilis!!!" pinaghihila ko na sila patayo at pilit na pinalalabas ng kuwarto si Andrew naman ay napansin kong nagpapaalam na kay Amber hindi talaga ako pinapansin. "Aray naman kuya! isusumbong kita kay Dad pag nagkapasa ako. Harold oh" "Huwag ka ngang maarte diyan umuwi ka na. At kahit magsumbong ka dyan kay Harold walang magagawa yan. Hala uwi na!" tawa pa rin ng tawa ang mga walang hiya si Amber naman ay hindi na rin mapigilan ang mahinang pagtawa dahil sa pinaggagawa nung tatlo at marahil dahil na ri n sa reaksyon ko. "Ay naku ate pagkinalabit ka nanaman ni kuya tumawag ka kagad ng nurse ha" bilin pa ni Adi kay Amber, mas lalo akong napahiya dahil nasa labas na siya ng kuwarto at may mga nurse na dumadaan para mag-rounds. Pagkatapos nun ay hila hila niya si Harold na tumakbo para makaiwas sa gagawin ko sanang pambabatok.Nang makalayo sila ay sinara ko na rin ang pinto, binalingan ko si Amber na inaayos ang sarili mukhang mahihiga na kaya agad ko siyang inalalayan. "Salamat" "Ahm wala yun sige magpahinga ka na" inayos ko ang mga dala ko kaninang pagkain pati na rin ang nga damit ay inilipat ko na sa cabinet ng maayos. Nagpasya akong maligo muna,pakiramdam ko kasi dala ko na lahat ng alikabok dahil sa dami ng inasikaso ko kanina, tulog na rin naman si Amber, kaya mas maigi na gawin ko ang mga bagay na maaari kong gawin dahil kapag nagising siya, nais ko na nasa kanya lahat ng atensyon ko. Ilang minuto din ako sa loob ng CR nagbibihis na ako ng maulinigan ko ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Amber nagmamadali kong tinapos ang pagbibihis sa pag-aakala kong dumating na ang doktor niya, pero hindi pala iyon ang dumating kundi si Audrey na masama ang tingin kay Amber.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD