4

3067 Words
"What are you doing here Audrey?" tinignan ko si Amber na nakahiga pa rin, nakapako ang mga mata niya kay Audrey, kinabahan ako bigla ng makita kong nanunubig na ang kanyang mga mata. "So kaya pala hindi mo ako sinundan sa condo kanina dahil nandito ka sa babaeng to" "Stop it Audrey, huwag dito. umuwi ka na pupuntahan kita bukas" pigil ko dito, alam ko na hindi ito palalampasin ni Audrey. "S-sige na Zach sumama ka na sa kanya. babalik naman si Adi mamaya dito eh." "Narinig mo babe? let's go home" "No. umuwi ka na Audrey bukas na tayo mag-usap" "Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama Zach lalo na ngayon sa condition ko." "Let's talk outside"sabi ko sa kanya saka ko tinignan si Amber na dahan dahang tumatayo habang hawak hawak ang tiyan, nilapitan ko siya at tinulungan na makaupo, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.pati ang pamumutla niya ay kitang kita ko na rin. "Are you ok? you want me to call the doctor?" "No Zach, ok lang ako, sige na mag-usap na kayo" 'Kung ayaw mong umuwi kasama ko ngayon ay dito tayo mag-uusap Babe, ok na rin para malaman na rin babaeng yan ang pag-uusapan natin" Audrey says in bitchy tone. "No, let's talk-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng magsalita uli si Audrey "I'm two months pregnant babe." AMBER'S POV Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman matapos marinig ang sinabi ni Audrey, magkaka anak na din sila ni Zach, napatingin ako sa asawa ko at rumehistro sa mukha nya ang pagkabigla pero napalitan din kagad ng saya. "I'll be back later tatawagan ko si Adi para bantayan ka dito." sabi niya sa akin at kagad niyang binalingan si Audrey at inakay palabas ng kuwarto ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko, akala ko unti-unting maaayos ang pagsasama namin ni Zach, pero hindi pa man kami nagsisimula ay mas lalong lumabo pa na maging maayos kaming mag-asawa. Iniwan niya akong mag-isa dito at sumama kay Audrey, ni hindi man lang lang naisa alang alang ang kondisyn ng ipinabubuntis ko. Ang tenderness na nakita ko sa mukha niya matapos marinig ang sinabi ni Audrey kanina ay malayong malayo sa reaksyon niya nang malaman niyang ipinagbubuntis ko ang magiging anak namin. Alam ko na masaya siya dahil nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa. natatakot ako, takot ako para sa anak ko, hindi pa man siya nailuluwal sa mundo,ay may kahati na siya sa pagmamahal ng ama. Iyak lang ako ng iyak, tumigil lang ako ng dumating na si Adi kasama si Harold. Pagkadating na pagkadating pa lang namin dito sa unit ay agad akong niyakap at hinalikan ni Zach, no doubt he's happy with my pregnancy. "I love you babe, thank you for carrying my child" Zach murmured. "I love you too" "Sorry kung hindi kita sinundan kanina." "You're forgiven, just please stay with me tonight?" " Yeah, promise, ill stay here with you" Napangiti ako habang pinagmamasdan ang natutulog na si Zach sa tabi ko, as he promised, hindi siya umalis. We made love last night hanggang kaninang madaling araw. No wonder pagod na pagod siya ngayon, napahawak ako sa impis ko pa lang na tiyan. Kahapon ko lang din nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ko, kaya kahit ayokong makita ang babaeng yun ay pumunta talaga ako kung saan siya naka confine para na rin malaman niya na magkaka anak na kami ni Zach, at sana sa nakita niya ang reaksyon ni Zach when he learned about my baby, ay matauhan na siya na kahit kailan ay hindi na siya mamahalin pang muli niZach. Alam ko sooner or later ay makikipaghiwalay na si Zach sa babaeng yun lalo na at magkakababy na rin kami. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Zach sa bewang ko. "Goodmorning babe, good morning baby" he kissed me and my tummy. "Good morning! how was your- "hindi ko na natapos ang sasabibihin ko dahil sa naramdaman kong tila hinahalukay ang tiyan ko kaya naman tumakbo ako kaagad sa banyo para doon sumuka, hindi ko alintana kung wala man aking saplot sa katawan ko ngayon. Agad naman akong dinaluhan ni Zach at hinagod hagod pa niya ang likod ko. Ilang minuto rin ang pagsusuka ko pero nakaalalay pa rin si Zach sa akin. "Are you ok? Gusto mo dalin na kita sa Doktor?" "No, ok na ako" "sure?" "Yeah, dito ka lang naman diba? hindi ka naman aalis?" "yes babe dito lang ako." saka niya ako binuhat at dinala sa kama, binihisan niya muna ako bago siya nagpasyang magluto. ADRIENNE'S POV Kagabi ko pa tinatawagan si kuya pero di ko talaga siya macontact, dinugo nanaman si Ate kahapon, nadatnan namin si ate na umiiyak tumigil lang siya sandali pero ng sabihin niyang buntis di si Audrey ay nag-iiyak nanaman, at ang magaling kong kapatid, iniwan mag-isa ang asawa niya kahit na delikado pa rin ang lagay nito. "Nacontact mo na ba si Zach" tanong sa akin ni Harold sinamahan niya akong magbantay kay ate kagabi, naipaalam ko na rin kina Mommy yung nangyari kay ate hindi lang siya makapunta ngayon dahil may therapy si Daddy na nakaschedule ngayon. "Not yet, naka off pa rin ang phone niya eh..." napatingin ako kay ate Amber na kasalukuyang natutulog kinailangan siyang turukan ng pampakalma dahil naghysterical siya nang magising, ok naman ang baby kaya lang mahina pa rin ang kapit nito. "Matulog ka muna, wala ka pang tulog eh." Isinandal niya ako sa dibdib niya at saka niyakap. "Harold..." "Hmm?" "I received a call from Ate Beatrice, uuwi sila dito for Ate Amber's graduation, pano pag nalaman nila yung situation nila ate amber at kuya? Knowing them, kukunin nila si ate sa ayaw at sa gusto namin lalo na pag nagsalita na si Andrew." "Mas maganda nga siguro na ilayo na nila si Amber dito baby ko. Atleast doon malalayo si Amber sa mga nakakasakit sa kanya,maaalagaan pa siya ng parents niya at pati ng ate niya, mas safe sila ng baby nya doon kesa kay Zach" "Yeah, ay teka nga pala pahiram ako ng phone mo" "Phone ko? bakit?" "Ayy basta akina" "Pinagdududahan mo ba ako baby ko?" ^_^ "slight lang hehe" ngumiti na lang si Harold my baby at binigay ang phone niya sa akin hehe. wala naman talaga akong balak na kalikutin yung phone niya papalitan ko lang ng wallpaper hahahahhahaaa. Natapos na ko sa pagpapalit ng mag ring ang phone ko, ayun tumawag na din ang salawahan kong kapatid. "Yes?" [Adi, nasa ospital ka ba ngayon?] "Oo" [Ah sige, ikaw na muna bahala diyan ah gising na ba si Amber?" "Not yet" [Yung ob dumating na ba? kumusta naman ang baby?] "Wow ah, concerned " nagsisimula ng mag-init ang ulo ko onti na lang sasabog na ako. naramdaman yata ni Harold na nayayamot na ko sa kausap ko kaya hinawakan niya ang kamay ko para pakalamahin ayieee. [Problema mo?] "Wow ah, ako pa talaga tinanong mo niyan? Ikaw!Ikaw ang-" di ko na natapos ang sasabiuin ki inagaw na kasi ni Harold ang phone ko at siya na ang nakipag-usap. "Pare si Harold to." [Problema ng baliw kong kapatid] "Wala puyat lang. Asan ka ba? pumunta ka na dito alagaan mo naman ang asawa mo." [Nandito ako sa condo, kayo na muna ang bahalang tumingin kay Amber, kailangan din kasi ako ni Audrey medyo nahihirapan din kasi sa paglilihi eh.] "Mas kailangan ka ni Amber dito pare, alam mo naman ang lagay ng baby nyo diba?" [Wala kasing kasama si Audrey dito ngayon, nahilo nga kanina buti nandito ako. wait... base sa boses mo alam nyo na ang tungkol sa pagbubuntis ni Audrey.] "Yeah. Nasabi na ni Amber, pinarating na rin naman ni Adi sa parents mo." [tsk... di man lang ako hinayaan ni Adi na ako ang magsabi kina Mommy. ] "Wala siyang choice eh. tinanong siya ni Tita kagabi alam mo namang hindi nagsisinungaling tong kapatid mo" [yeah right. ge pre una na ko tinatawag na ko ni Audrey eh] Harold ended the call, saka ko siya tinignan ng masama. "What?" "Bakit hindi mo sinabi na dinugo nanaman si ate? dapat sinabi mo para makunsensya yang hudyo kong kapatid" "Tapos? magmukukhang kawawa nanaman si Amber? No Adi tama na yung sakit na nararamdaman niya ngayon, pagpahingahin muna natin si Amber, dahil sigurado ako once na makita niya si Zach masasaktan nanaman siya knowing that Zach got Audrey pregnant." "Napakalandi kasi ng kuya ko eh." "Marerealize niya rin kung ano ang pinaggagagawa niya sa asawa niya." "sana nga." Ilang araw pa ang nagdaan pero ni anino ng magaling kong kapatid ay hindi ko nakita, graduation na nila next week, si ate amber naman ay madidischarge na ngayong araw,yun nga lang mukhang hanggang sa makapanganak siya ay complete bedrest na siya, bukas na rin dadating ang parents niya at si Ate Beatrice, hindi pa nila alam ang kalagayan ni Ate Amber ngayon, at dahil missing in action ang magaling kong kapatid ay sa mansion na namin ididiretso si ate amber, naghire din sina mommy at daddy ng private nurses para tumingin kay ate, hindi kasi siya puwedeng maiwan mag-isa, lahat ng gagawin niya kailangan may nakabantay na nurse dahil sa sobrang selan ng lagay ni baby. Naka wheelchair siya ngayon, hindi kasi siya puwedeng nakatayo ng matagal, pati pag-upo hindi rin puwedeng matagal. Walang nag-oopen ng usapan about Audrey's pregnancy lalo na at maaaring maging reason yun para magbleed nanaman si Ate Amber. "ready ka na ate?" "yeah, lika na uwi na tayo" "hindi ka ba mahihirapan sa wheel chair mo ate? gusto mo irequest ko na lang na mag stretcher ka?" " baliw ka talaga. ok na ko dito. komportable naman ako eh." "Sure ka ah. Oy kuya dahan dahan lang ah..." nginitian naman ako ng private nurse ni ate amber, ang cute ng dimples ni kuya nurse "let's go na ate, hinihintay ka na nila Mommy." "Umuwi na ba ang kuya mo?" "Ahm, hindi pa ate eh. hayaan mo na siya ate, si baby na lang intindihin mo, naku baka mamaya dahil sa kakaisip mo may eyebags na si baby hehe." Ngumiti lang si ate Amber, alam ko na nasasaktan na talaga siya sa gingawa ni kuya sa kanya dati halos ayaw ni kuya na pakawalan si ate, laging nakasunod sa mga lakad niya, ngayon ganun na lang ang pambabalewala nito sa asawa. Sana lang magising na si kuya sa kabaliwan niya sa haliparot na iyon, may feeling ako na hindi kay kuya ang ipinagbubuntis niya eh, tulad ko nagdududa din sina Mommy, hindi lang nila masabi kay kuya. ZACH'S POV Phew! Nakatakas din kay Audrey, apat na araw din akong hindi pinaalis ng condo, sabagay nakita ko naman na nahihirapan talaga siya, lalo na kapag umaatake na ang morning sickness niya, buti na lang ngayon kahit papaano ay ayos ang pakiramdam niya, pupuntahan ko muna si Amber sa ospital, buti na lang nagkayayaan ang sina Audrey ng mga kaibigan niya na magshopping. Alas dos na ng hapon nang makarating ako ng ospital pero nakauwi na pala kaninang umaga si Amber, nagpasya na akong umuwi ng bahay,malamang sinamahan na lang ni Adi si Amber doon. Pero pagdating ko ng bahay ay nakalock pa rin ang gate, nagpasya muna akong pumasok para sana magpahinga pero di ko maiwasan ang mag-isip kung nasaan si Amber, ah baka nasa mansion. [Montevista Residence, Good Afternoon] ayos buti na lang si Mommy ang makasagot at hindi si Adi. "Mom" [Zach. Hijo] "Galing ako ng ospital, nakalabas na pala si Amber, wala manblang nag-inform sa akin. Diyan ba siya tumuloy ngayon?" [Adi tried to call you pero cannot be reached ang phone mo. wala si Amber dito, doon siya tumuloy sa bahay nila kasama si Adi] "Ha? eh bakit doon? bakit hindi siya nagpauwi sa bahay namin.?" [Uuwi ang parents ni Amber. bukas ang dating gusto niyang nandon siya para makasama ang pamilya niya ] "ah sige mom pupuntahan ko na lang si Amber doon." [ok] and then mom hanged up. There is coldness in her voice a while ago, hindi ko maiwasang malungkot I Know masama ang loob niya sa akin. Nagpasya na akong pumunta sa bahay nila Amber, nagdala na rin ako ng mga damit, doon din muna ako mag-i-stay sa kanila. Tatawagan ko na lang si Audrey mamaya para ipaalam na hindi ako makakauwi. Isang oras din ang itinakbo ng biyahe ko, at ngayon nga ay kasalukuyan akong nasa harap ng bahay nila Amber...nakailang doorbell ako bago lumabas ang kasambahay nila na si Amy. "Sir Zach! kayo pala halika po pasok." nakangiti nitong aya sa akin. "Naku sir, buti naman at nagpasya kayo na dito muna mag stay si Ma'am Amber." "Sandali lang naman, baka hanggang nandito lang sina Mama." "Ay ganun po ba" tumango ako bilang tugon, papasok na kami ng bahay ng tanungin ko kung nasaan sina Amber at Adi. "Ay nandoon po sa kuwarto sina Ma'am Adrienne pinapaliguan kasi namin si Ma'am Amber." Napakunot ang noo ko, bakit kailangan pa sila ni Amber kung maliligo lang pala ito. Hindi na lang ako nagsalita baka kasi magtaka pa itong si Amy may pakatsismosa din kasi itong isang to eh. Nagpaalam muna ito na may kukunin lang sa kusina kaya nauna na akong umakyat sa silid ni Amber. kumatok muna ako bago pumasok para lang matigilan sa nakita ko. Maliban kay Adi ay may dalawa pang tao sa silid na sa tingin ko ay mga nurse, pero bakit sila kumuha ng lalaking nurse?! "Amy ang tagal mo naman. Sino ba yung dumating? tanong ni Adi na hindi man lang tumingin sa direksyon ko. Masyado itong busy sa pagsashampoo sa buhok ni Amber habang nakahiga ito sa kama. Teka, kailangan ba pati sa pagligo ay nakahiga si Amber? OA naman ata yung OB niya. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Agad namang lumingon si Adi ganun din ang mga nurse na katulong niya, si Amber naman ay nagmulat ng nga mata pero hindi lumingon sa akin. "Oh kuya, andyan ka pala. Antayin mo na lang ako sa baba. Tatapusin ko lang to." kasalukuyan na niyang binabanlawan ang buhok ni Amber na nakapikit na uli ngayon. Nilapitan ko sila para tulungan sana sa pag-aasikaso sa kanya pero pinigilan ako ni Adi. "hintayin mo na lang ako sa baba kuya. kaya na namin to." "sigurado ka?" "oo" Napatingin ako kay Amber, na kasalukuyang inaasikaso ng isang babaeng nurse, sponge bath ba yung ginagawa sa kanya? "kuya bumaba ka na, bibihisan lang namin si ate." "Ano?! pati siya kasama sa pagbibihis kay Amber?" turo ko sa lalaking nurse. Napataas yata ang boses ko, sabay sabay kasi silang napatingin sa akin eh, mga nagtataka sa naging reaksyon ko. "Ay sir, hindi po, lalabas na po ako aayusin ko lang po si Ma'am Amber" "ganun ba? ako na lang ang bubuhat sa kanya" lalapit na sana ako ng magsalita nanaman si Adi "Problema mo? Hindi basta basta ang pagbubuhat kay ate hayaan mo na si nurse Anthony ang gumawa. Saka di ba sabi ko antayin mo na lang ako sa baba" nanatili lang na tahimik si Amber "No, ako na magbubuhat sa asawa ko. Just tell me how to do it" pagmamatigas ko, narinig ko pa ang mahinang pag "tsk" ni Adi, eh kaya ko naman talagang gawin yun eh. Tinuran naman ako ng nurse ano ang gagawin. Napansin ko na malaki ang hinulog katawan ni Amber, para tuliy akong nakukunsensya. Pati sa pagbibihis sa kanya ay tumulong na rin ako, nang matapos kami ay inaya na akong bumaba ni Adi para makapagpahinga na si Amber, naiwan naman sa loob ang mga nurse na kinuha nila. "Ahm Amy,punta ka muna sa pizza parlor dun sa labas bumili ka ng merienda natin pati softdrinks bumili ka na rin." utos ko sa kasambahay,gusto ko lang makausap si Adrienne na walang makakarinig na ibang tao. "What?" tanong sa akin ni kutong lupa pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Bakit kayo naghire ng private nurse? at bakit dito kayo dumiretso? bat hindi sa mansion o sa bahay namin?"tanong ko. "Kung yung pampasuweldo sa mga nurse ang pinoproblema mo wag mo ng alalahanin yun. Si ate Amber ang magbabayad, ako ang pinahawak niya ng atm at passbook nya. Dapat sa mansion siya dadalin kanina pero pinilit niya na dito na lang gusto niyang makasama sina Tita. Saka ok na rin yun para maalagaan siyang mabuti, hindi tulad sa bahay niyo lagi siyang walang kasama" "Huwag mo ng galawin yung pera ni Amber, ako na ang magpapasuweldo sa mga nurse niya." "Talaga lang ah, anong nakain mo? kala ko ba kelangan mong magtipid? kaya nga hindi ka pumayag na sa inyo na manilbihan si Aling Fe diba? Tapos ngayon sasabihin mong ikaw na magso-shoulder ng pagpapasuweldo sa mga nurse?" "Asawa ako kaya responsibilidad ko yun." "Hindi nga? Bakit? kelan ka naman naging asawa ni Ate Amber pakipaalala nga sa akin hindi ko kasi matandaan kung kelan kayo naging mag-asawa eh" "Ano bang problema mo Adrienne? kelan ka pa naging bastos?!!!"napikon na ako sa way ng pakikipag-usap niya sa akin, nakakalimutan yata niya na mas matanda pa rin ako sa kanyya! "Ikaw ang problema kuya! Ilang araw kang hindi nagpakita sa ospital? Inalagaan mo ba ang asawa mo? Alam mo bang nalagay nanaman sa panganib ang anak mo nung araw na iwan mong mag-isa si Ate Amber at sumama ka sa Audrey na yun? Ganun ka ba kasaya kasi magkaka-anak na kayo? na sa sobrang saya mo hindi man lang pumasok sa kukote mo na may mas nangangailangan ng atensyon at pag-aalaga mo? Oo na, hindi mo talaga gustong buhayin ang anak niyo kaya nga halos kaladkarin mo na si Ate Amber sa abortionist diba? Oh eh bakit ka nandito ngayon?" "Dahil nandito ang mag-ina ko!!!" "Wala na kuya" naluluhang sabi ni Adi "Anong wala? anong pinagsasabi mo?"may kabang bumundol sa dibdib ko "Sasama na si Ate kina Tita pagbalik nila ng Amerika." "She can't do that" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni adrienne, paanong sasama si Amber kina Mama eh siya nga itong halos ayaw humiwalay sa akin nung nakikipagkalas ako sa kanya ah tapos ngayon aalis siya? kalokohan. "Yes she can, kinausap nya na si Mommy kagabi, kaya nga dito nya piniling tumuloy eh, pagdating nila Tita sasabihin niya na kung ano talaga ang nangyayari. May nairekomenda na rin si Andrew na magiging abogado niya para sa annulment ninyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD