Isa-isa akong tinitignan ang mga pictures ni Baby Dale sa phone ko, kanina lang iyo kinunan habang pinapaliguan namin siya ni Mama, kitang kita na malaki talaga ang pagkakahawig ni Baby Dale at ni Zach, halos lahat ng features ng ama nakuha niya wala man lang namana sa akin. "Hey" napahinto ako sa pagtingin ng mga pictures nang marinig ko ang boses ni Zach, nilingon ko naman siya at kagad kong napansin ang pagod sa mga mata niya kahit pa nakangiti siya habang papalapit sa akin. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at sinalubong siya ng magaan na halik sa labi. "You look so tired" hinaplos ko pa ang pisngi niya. "A little bit, pero okay na ako, makita pa lang kita narerecharge na ako." "Sure? Let's eat our lunch na lang maya maya na tayo umalis." lumapit ako sa couch kung saan nakalagay ang

