"What? seryoso ka ba? paanong pumayag ka? hindi ba nagkasundo tayo na gigipitin mo ang mga Salazar kahit ano pa man ang mangyari? ano ito? nag-offer lang sila sa iyo tinanggap mo na kaagad?" galit na sabi ni Sandra sa kanyang asawa. Nakita niya ang balita mula sa telebisyon kanina tungkol sa update sa mga nangyayari sa pamilya Salazar. At matapos ang ilang linggo na halos sumuot sa karayom sa hirap ang mga ito ay ibinalita kanina na nakuha na ulit ng pamilya ang access sa mga accounts nila. Napanood niya ang panayam kanina mula kay Raven na siyang sinabi nito na unti-unti na ngang umaayos ang lahat at nagumpisa na nga dahil sa muling nakuha nila ang access sa mga na-freeze na account ng pamilya. At dahil doon ay alam niyang isa lang ibigsabihin non, kagagawan ito ng kanyang asawa. "Aya

