Pinagmasdan ni Raven ang Yacht na sasakyan nila. Isa-isang umakyat doon ang ilang mga inanyayahan ng Senador para sa party na inihanda nito. May iilang personalidad na naroon, mga politiko na majority ay kaalyado ng Senador. Pero bukod doon ay marami rin negosyante na alam niyang ka-transaction ng Senador. Alam niya na ang party na ito ay celebrasyon para sa makukuha nitong lupain mula sa kanila. At iyon ang nais ipamukha sa kaniya nito. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginagawa nito. Hindi pa final na nasa Senador ang mga property pero kung makaasta ito ay para bang simpleng laruan lang ang kinuha nito sa kanila. Ganoon pa man ay kumalma siya at sinakyan na lamang ang mga nais ng Senador. Iyon ay para hindi na magkaroon pa ng conflict na maaring maging proble

