PROLOGUE: When Love Was One-Sided.
"Raselle, ikaw ang gusto kong mapangasawa ng anak ko. Naniniwala akong ikaw lang ang makakapagbago sa kanya."
Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa isip ko ang katagang yun na para bang nananadya at pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa sakit.
Bigla akong napabalikwas ng bangon nang marinig kong bumukas ang pinto at bumungad si Ace.
Pumasok siya sa kwarto, suot pa rin ang itim na suit. Impeccable as ever. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niyang palaging gamit pero may halong ibang scent. Mas matamis yun at pamilyar. Alam na alam ko kung kanino iyon at pakiramdam ko ay para akong nadudurog.
Madaling-araw na. Hindi ko na kailangan itanong pa. Kilala ko na ang pattern niya. Gabi-gabi na lang, uuwi ng dis-oras, mananahimik at lalagpasan ako na parang wala lang akong halaga. At iyon naman ang katotohanan, na wala akong halaga sa kanya.
Pero kahit ilang beses pa akong masaktan ay hindi pa rin ako sanay.
Kababata ko si Ace. Unang crush. Unang lalaking minahal. At ngayon? Siya rin ang lalaking dahan-dahang sumisira sa pagkatao ko.
Well, hindi ko naman talaga kasi siya asawa. Kasal lang kami. Pero ang puso niya? Hindi sa akin dahil iba ang nagmamay-ari nun.
Napatitig ako sa kanya na mukhang pagod pero hindi siya galing sa office. Alam kong galing siya sa isang event. Sa isang babae, kay Zia na girlfriend niya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero tinanong ko pa rin.
“Ba-bakit ngayon ka lang?” Mahina kong tanong habang nakatingin sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang tinig ko.
Napahinto siya sa pagtanggal ng relo niya at saglit akong tiningnan ng walang emosyon.
“I was at Zia’s event. Modeling show. After party. You know how she is.” Malamig at diretso niyang sagot.
Si Zia, the woman he truly loved. At ako? Ako ang inaanak ng Mommy niya na itinuring ko na ring pangalawang ina. Pinag-aral niya ako. Tinulungan niya kaming mag-ina.
Kasambahay kasi nila si Nanay. Napakalaki ng naitulong ng magulang ni Ace sa amin ni Nanay. Kaya nang makiusap sa akin si Mommy na pakasalan ang kaisa-isa niyang anak ay hindi ko nagawang tumanggi. Hindi lang dahil sa utang na loob, kundi dahil iyon din talaga ang gusto ng puso ko... ang mapangasawa si Ace.
“Right,” I whispered, eyes on the floor. Mariin kong kinapit ang mga daliri ko sa kumot na para bang doon ako makakakuha ng lakas.
Hindi na ako nagsalita at wala na rin siyang sinabi.
He walked to the dresser, unbuttoning his sleeves casually like I wasn’t even there.
Alam kong wala ng susunod pa. Hindi siya hihiga sa kama, hindi niya ako lalapitan at hindi niya ako hahawakan. Sa tatlong buwan naming mag-asawa ay minsan lang nangyari iyon... noong nalasing siya. Para sa kanya, isang pagkakamali ang nangyaring iyon sa amin. Pero para sa akin ay pinakamasayang gabi iyon ng buhay ko.
Kinalma ko ang sarili ko. Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa ganito. Pareho kaming nagdadalamhati sa pagkawala ng Mommy niya. Limang araw pa lang simula nang ilibing ito kaya sariwang sariwa pa ang sakit.
Nagpalit siya ng puting shirt at lumapit sa akin. Inabot niya ang isang envelope.
“I want this to end,” mariin niyang sabi.
“Wala nang dahilan para ipagpatuloy pa natin. Mom’s gone. The deal’s over.”
Binuksan ko ang envelope at bigla na lang akong nanginig nang makita ang divorce paper.
Gusto kong tumutol pero wala namang lumalabas na salita sa bibig ko. Naiintindihan ko rin dahil pareho naman kasi naming napagkasunduan ito noon para kay Mommy. At ngayong wala na siya ay wala na ring dahilan para manatili kami sa isa't isa.
Hindi ko napigilan ang luha ko. Siguro nagtataka siya kung bakit. Kasama ko siyang lumaki. Kilalang-kilala niya ako. Pero hindi niya alam ang totoo, na mahal ko siya. Ni minsan kasi ay hindi ko 'yun sinabi sa kanya dahil alam kong wala naman ako makukuhang sagot. Nakuntento na lang ako kung anong meron sa amin at minahal na lang siya nang tahimik.
“Okay,” humihikbi kong sagot. Nanatili akong nakayuko. Sht! Kahit anong pilit ko, hindi ko mapigilan ang luha ko!
“Why? You knew this would happen too, right?" Tanong niyang may diin.
Nanatili akong tahimik na lumuluha. Inangat ko ang tingin sa kanya. Ramdam ko ang lamig ng titig niya sa akin.
"Raselle, wag mo akong lituhin. You agreed to this setup, remember? Ikaw mismo ang pumayag dahil sabi mo, para kay Mom. This was never love. Never about emotions. Walang commitment. Walang tayo.”
Hindi ko alam kung bakit niya kailangang sabihin iyon. Siguro nabasa niya sa mga mata ko ang totoo kong nararamdaman.
Mas lalo akong napaiyak. Alam ko naman sa simula pa lang na wala akong lugar sa puso niya pero umasa pa rin ako.
Lumakad na siya palayo. Paalis na pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. I think, this is the right time.
"Ace!" mahina kong tawag sa kanya. "Mahal kita."
He paused but didn’t look back. Didn’t speak and didn’t care.
Pero narinig niya. Alam kong narinig niya. At sa lahat ng puwedeng gawin, mas pinili niyang buksan ang pinto at lumabas. Walang sali-salita.
Tumuloy ang luha ko kahit pilit kong pinipigilan.
That's when I realized na hindi na niya kailangang sabihin ang sagot.
Ang pagtalikod niya. Ang katahimikang iyon. Yun na ang sagot sa damdamin kong matagal nang umasa.
Pinirmahan ko ang papeles kasabay ng pagbitaw ko sa lalaking minahal ko ng matagal.
---
BLURB
Pumayag si Raselle na pakasalan si Ace Valverde hindi dahil kailangan. Hindi dahil sa kahilingan ng ina nito na pinagkakautangan niya ng buhay kundi dahil mahal niya ito.
Tahimik niya itong minahal. Umasa at naniwala na balang araw ay matutunan din siya nitong mahalin. Pero nang pumanaw ang ina ni Ace ay nawala rin ang huling dahilan para manatili ito sa tabi niya.
Isang pirma lang tapos na ang lahat.
Para kay Ace, yun ang simula ng kalayaan.
Para kay Raselle iyon ang araw na tuluyan siyang gumuho. Sobra siyang nasaktan. Nagtungo siya sa ibang bansa para buuhin ang sarili sa tulong ni Migs na Stepbrother ni Ace.
Pagkalipas ng ilang taon ay muli siyang bumalik. Muli silang magkakasama ni Ace pero hindi bilang mag asawa kundi bilang magkatrabaho sa isang multi-billion project.
Magagawa ba ni Raselle na umiwas kung sa bawat tingin ni Ace pakiramdam niya ay may nagbago. Hindi na iyon kagaya ng dati na mapanakit at walang pake sa kanya.
Magpapadala ba siya sa init ng mga titig nito o paninindigan niyang hindi na siya ang babaeng basta na lang nito pwedeng angkinin?
Pero paano kung may isang lihim mula sa nakaraan na kayang baguhin ang lahat?
Kaya pa bang panindigan ni Raselle ang kanyang laban o siya mismo ang tuluyang bibigay?
MATURE CONTENT‼️CONTRACT MARRIAGE‼️