Ace POV BIGLA akong natigilan. Biglang nagbago ang timpla ng ngiti ko. Napaisip ako bigla. Hindi siya basta-basta nagpapakita ng ganitong motibo sa akin, lalo na't sobra ko siyang nasaktan noon. Mabilis pumasok sa isip ko ang posibilidad na baka parte lang ito ng plano niya... plano nila ni Migs na pabagsakin ako at kunin sa akin ang Valverde Land. Baka gusto niya lang kunin ang loob at tiwala ko. Baka pinapaikot niya ang utak ko. Nagpakita ako ng motibo sa kanya kahapon at naramdaman niyang interesado ako sa kanya, kaya ngayon sinasamantala niya ang pagkakataon para bilugin ang ulo ko. Masyado ko siyang nasaktan noon. At ngayon, gumaganti siya. Nilalason ni Migs ang utak niya. Ginagamit ng gagong 'yon si Raselle para pabagsakin ako. At si Raselle, dahil sa lahat ng atraso ko sa kanya

