MAAGA akong nagising kinabukasan. Sabado ngayon, at wala akong pasok sa opisina. Pero kahit wala akong trabaho, magaan ang pakiramdam ko na gumising agad. Siguro dahil na rin sa mga nangyari kahapon. Hindi ko alam ang dahilan, pero simula ng bumalik ako sa Pilipinas, parang ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko ng ganito. Kinapa ko ang cellphone sa bedside table. Nang makuha ko iyon ay agad akong napadako sa messages. Napatigil ang mata ko sa message ni Ace kagabi na ilang beses ko ng binasa, pero heto ako, binabasa na naman. Ace: Raselle, pasensya na kung medyo makulit si Aki kanina. Ganyan talaga siya kapag may gusto siya, hindi basta bumibitaw. Gusto niyang makasama ka ulit bukas, pero sinabihan ko na siya na hindi puwede kung ayaw mo. Ace: Kanina, habang pinapatulog ko siya, bigla

