“Lilith.” “Hmm?” napatigil ako sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit namin at nilingon si Papa na nakatingin sa akin ng puno ng pag-aalala. I smiled at him and sat beside his bed. “Bakit po, Pa?” malambing na sabi ko at hinawakan ang kamay niya. I thank God thousands of times dahil after almost 2 days of being unconscious nagising din si Papa. Jj woke up a day before at ang kawawa kong kapatid ay iyak nang iyak nang maalala ang nangyari sa kanila. Napakabata pa ni Jj para maranasan iyon. Si Mama naman ay hindi pa rin nagigising. Hindi ko nga maiwasang hindi matakot sa bawat araw na lumilipas at unconscious pa rin siya. Pero sabi ng Doktor na hintayin lang namin daw lalong-lalo na at ang utak niya talaga ang apektado. Mabuti na lang at hindi din nagkulang ng assurance ang mga staff

