“Um. I will leave you two for now to discuss some important matters. Call me if you need my help or if you see any signs of distress from the patients,” medyo awkward na paalam ng Doktor. She probably noticed the heaviness and tension between me and Gray. “Bakit mo ginawa 'yon?” tanong ko nang marinig kong tuluyang sumara ang pinto. Not that I’m not grateful for what he did, in fact sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Utang na loob ko ang buhay ng buong pamilya ko dahil sa ginawa niya pero gusto ko lang malaman kung bakit dahil una sa lahat ay hindi namin siya ka ano-ano para maglabas siya ng ganoon kalaking pera. Hindi ko man alam kung magkano pero sigurado ako na hindi basta basta iyon. He turned to look at me. “Everyone will do what I did if they were in my position.”

