“Andito na ang sundo ko,” I smiled reassuringly at Athia nang bigla niya akong pinukol ng tinging puno ng pagaalala. It’s been almost an hour na hinihintay namin ang sundo naming dalawa. Nauna na kasi kanina pa si Eliza dahil inabangan talaga siya ng sundo niya while Athia asked her driver to come later para lang samahan ako. “Don’t worry. I can manage. Maybe mayroong emergency lang sa bahay or baka na-stuck lang sa traffic or what,” I tried to reason out. Kakauwi lang namin galing Korea and kaming dalawa na lang ang nandito sa airport. Well kung aalis siya ay ako na lang ang matitira. “Try calling them again,” she said referring to Mama or Papa. I sighed and looked at the screen of my phone na wala pa ring reply or call back mula sa kanila. Kanina ko pa sila sinusubukang tawagan

