“Saan ka tatambay ngayon?” napatigil ako mula sa pagwawalis ng sahig ng room namin nang bigla akong kausapin ni Athia na walang ganang nakasalampak sa upuan niya at nilalaro ang buhok, mukha tuloy siyang bruha dahil sa sobrang gulo na ng buhok niya. Hindi naman masyadong halata na bored siya ano? Kaming dalawa na lang kasi ang natira sa room, yung iba naming kaklase ay nasa kanya-kanyang practice na. Kabilang na doon si Gray na walang sabi-sabing lumabas agad pagkatapos sabihin ng Professor namin na pwede na daw kaming umalis. Ang funny lang talaga kasi pumasok pa ang professor namin tapos nag-check lang ng attendance pagkatapos lumayas na. Nagkukumahog nga na bumalik ang ibang kaklase namin na bumalik para makapag-attendance. Pagkatapos nun ang agad naman siyang umalis. Uwing-uwi.

