“Girls,” rinig kong tawag samin ni Eliza mula sa kabilang aisle kaya binaba ko ang make up na hawak ko at pinuntahan siya. Naabutan ko naman siyang malawak ang pagkakangiti at may hawak na tatlong paper bag. Nandito kami ngayon sa mall na malapit lang sa hotel namin. Maaga kasi na natapos ang tour namin than the time allotted kung kaya ay pinayagan kami ng professors namin na gumala basta within the vicinity lang daw at kasama ang buddies namin. “Yo,” bored na bati ni Athia habang nag lalakad papunta sa direksyon namin. Eliza gave each one of us the paper bag na hawak niya. “Let’s open it together,” excited na sabi niya. Akmang bubuksan kona yung sakin nang bigla akong pigilan ni Eliza. “WAIT!” muntik ko nang mabitawan sa gulat ang hawak kong paper bag nang bigla siyang sum

