"Grae?!" hindi makapaniwalang bulalas ko nang makita ang pamilyar niyang itsura na nakasilip sa pagitan ng pinto. Agad naman siyang ngumiti at tila tuwang-tuwa na makita ako. "Lilith!" matinis ang boses na sabi niya at tuluyan nang pumasok. Hindi naman halatang miss na miss niya ako no? "Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko at sinilip ang pintuan para tignan kung may kasama ba siya. As usual ay siya lang mag-isa. Don't tell me nag-ala Grae the explorer na naman siya sa school namin. "Wala lang." Kibit balikat na sabi niya at kumaway kay Athia nang mapasin niya itong nakatingin sa kaniya. "Si Athia pala. Athia si Grae," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Grae immediately smiled and offered his hand to Athia for a handshake. "Hi! Nice to meet you," friendly na

