"Oh my gosh, Lilith!" bulalas nina Eliza at Athia nang tuluyan akong lumabas ng comfort room. I smiled and twirled in front of them, flexing my gown. Nandito kami ngayon sa kwarto ko kasi dito kami nagpa-make up as per request ni Papa kasi gusto niya daw akong makita na nakaganito. Sabagay, wala kasi kaming prom noong highschool. Mabuti na lang at pumayag naman sina Eliza at Athia. "Ang ganda ng gown s**t," tinaasan ako ng kilay ni Athia. "Oh, ano? Akala mo ikaw ang sasabihan kong maganda?" natatawang sabi niya. I raised my middle finger at her and she immediately did the same. "Uy! That's bad!" pangongonsensya ng inosenteng si Eliza. Palibhasa tapos na period niya kaya balik sa balat anghel na ulit siya. "You guys looks beautiful!" I complimented them. Eliza is wearing a wh

