"Umagang-umaga inaantok ka na. Uso matulog kung gabi sis," puna sa akin ni Athia nang mapansing humihikab ako. 'Heto na naman po siya' tirik matang isip ko sa sarili. "Respeto na lang sa hikab ko. Ikaw nga hindi naman kita inaano diyan na nagingitim ang ilalim ng mata mo eh," balik ko sa kaniya. Bigla naman siyang na-conscious at nag-iwas ng tingin. Aha! Mukhang may hindi sinasabi sa amin si Athia. "Eliza, congrats nga pala! Ang ganda ng performance niya kagabi," Eliza blushed a little at pabebe na sinubo ang saging na kinakain niya na ikinangiwi ni Athia. For sure iba na naman ang pumapasok sa malumot niyang utak. "Thank you, Lilith!" touched na sabi ni Eliza. "Maganda din yung performance ng sa inyo," dagdag niya. Napatingin ako sa taas habang hinuhukay sa isip k

