Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero nangingibabaw sa akin ang tuwa at kilig habang nakatingin kay Gray na sobrang gilas maglaro. Kung kanina ay para siyang kinunan ng espiritu ngayon naman ay mukha siyang nasobrahan sa vitamins. Napalingon ako kay Athia nang maramdaman kong siniko niya ako. "Ano yun?!" hindi makapaniwalang bulalas niya habang dinuduro ako at sunod ay si Gray. Nang-iinit ang pisnging nag-iwas ako ng tingin. "Ay. Nahiya ka pa? Oi! Wag kang yuyuko diyan. Magkwento ka," asar na sabi niya at akmang kukurutin ang n****e ko. Mabuti na lang at mabilis kong natakpan ang dibdib ko. "Yeah! Care to explain?" taas kilay at nakapamewang na sabi ni Eliza. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi naman ako nagkamali ng suspetya dahil lahat ng tingin ay

