"Hello. Good morning sa iyo!" sobrang lapad ang ngiting bungad sa akin ni Athia nang tuluyan akong makapasok ng sasakyan. Nagpumilit kasi sila na sunduin ako sa bahay para machismis ko na daw sa kanila ang tungkol sa amin ni Gray. Hindi naman sila masyadong atat ano? "Good morning, Lilith!" energetic na bati ni Eliza na nasa driver's seat. "Grabe talaga kayo," naiiling na sabi ko at malalim na napabuntong hininga. Hello! 6:30 a.m pa lang ng umaga! Tulog pa nga sina Papa at Jj maging si Mama tapos sinusundo na nila ako. "Pa suspense ka kasi! Kahapon pa kami curious eh!" defensive na bwelta ni Athia. Asus! If I know siya ang nagpasimuno. "Come on. Spill the tea already, Lilith." Napalingon ako sa madilim pang paligid. Ber months na kasi kaya ganun. "Dito talaga tayo? Sa h

