"What's wrong?" kunot-noong tanong sa akin ni Gray. Mariin akong napapikit at hinilot ang sentido ko. Hindi ako sigurado kung tama ba ang hinala ko pero iyon lang ang posibleng dahilan kung bakit nawawala si Permelia. "It's alright. You don't have to tell me. I understand," dagdag ni Gray nang nang hindi ko siya sinagot. "Do you want to pick your bag first in your office?" I nodded in response. Mabuti na lang at pinaalala niya sa akin dahil mukhang hindi na ako makakabalik pa sa office kung uuwi ako. Gray turned the wheel and headed towards the direction of my office. Julianne smiled widely when she saw me entered the room. "Oh, bumalik ka pa? Sana dumeretso na lang kayo sa dinner date, drink date tsaka one night stand," natatawang sabi niya pero natigilan nang mapansin ang

