"Heto na siya!" mabilis akong tumalikod habang takip ang mukha ko nang makita si Julianne kasama si Kera na nag-aabang sa akin sa pagdating ko. "Hep! At saan ka naman pupunta, Inday?" pigil niya sa akin at mabilis akong hinabol. "Uuwi," tipid na sabi ko at binilisan ang lakad ko nang bigla akong harangan ng iba pa naming empleyado. "Wala kang takas!" Julianne said and laughed wickedly. Nailing na lamang ako while looking at the apologetic face of the employee's that is standing on my way. "Sorry, Ma'am," naiilang na sabi ng isa sa akin. Malalim akong napabuntong hininga at hinilot ang sentido ko. Mukhang nakaplano na ang lahat ah? "Ano na naman ito, Julianne?" bagot na sabi ko at nilingon siya. Malapad naman siyang ngumiti sa akin at mabilis na tumakbo papunta sa li

