"I already tucked Permelia to sleep," sabi sa akin ni Gray pagkalabas niya sa kwarto ng bata. "Okay. Pwede ka nang lumayas," walang ganang sabi ko at akmang lalampasa siya nang bigla niya akong pigilan sa braso. "Bitawan mo ako," malamig na sabi ko. Agad naman niyang inalis ang pagkakahawak sa akin. 'Tamang desisyon iyan. Kung hindi sisikuhin ko talaga siya,' piping sabi ko sa isip. "Umuwi ka na," pagtataboy ko sa kaniya. "Who's the Father of Permelia?" usisa niya sa akin at sinundan ako papunta sa direksyon ng kwarto ko. Asar na tumigil ako sa pinto at nilingon siya. "Alam mo, para kang linta. Sunod ka ng sunod. Umalis ka na nga. Kakairita ka," masungit na sabi ko at pinihit ang seradura ng pinto. Natigilan ako nang bigla niya akong pihitin paharap at kinulon

