ZELOFINA
"Parang alam ko na kung sino si Eagle-eyed," mabagal na binuksan ni Axl ang pintuan para makapasok. "She is one of the Seniors."
"She?" Paninigurado ako. "Eh, panlalaki ang tawa niya."
"Yeah— I mean, babae ang nag-utos doon kay Eagle-Eyed."
"What?!" Napatayo si Hamida mula sa pagkakaupo. "Alam mo na kaagad kung sino ang mastermind?"
"Not yet," aniya. "According to my investigation, yung Senior na babae na nag-utos kay Eagle-Eyed ay meron pang master. Here is the audio-clip."
Naglapag siya ng isang recording device at pinindot ang button sa gitna. Sa una, akala ko puro scratches langng papel ang nandoon. Mga nasa isa o dalawang minuto ring blanko ang conversation hanggang sa isang babae ang nagsalita.
"Master..." panimula niya. Medyo c***k din ang boses niya at parang pamilyar ito. I think nakausap ko na siya somewhere? "Napataawag po kayo."
"I just want to askyou something," babaeng medyo may edad na ang nasa kanilang linya. At sigurado naman na ako kung sino ito. "Nagawa mo na ba ang pinag-uutos ko?"
Matagal ulit bago siya nakapagsalita.
"Not yet, Master..." utal-utal niyang sambit, garalgal na rin at parang paiyak na siya. "But I promise... I will make it.... now... I will ask him... to do it, right now.." hingal na hingal ang boses niya na para bang galing sa isang karera.
"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong matulad ka sa mga biniktima na niya," iyon ang huli niyang sinabi bago naputol ang pag-uusap nila.
"Paano mo naman nakuha ang lahat ng 'to?" Tanong ni Haji. May hawak na siyang bagong weapon, siguro katatapos lang ng orientation ng bagong facilitator ng Weapon Room.
"Dahil iyan sa audio na nakuha natin sa Wide Plaza," sagot naman ng kausap. "Dahil sa pagtawa ng lalaki, na-locate ng recording device ang kunaroroonan nito. Tinulungan din ako ng bago kong kaibigan na mapaamin ito."
I raised my hand. "And sino ang kaibigan na sinasabi mo?"
"Ako."
Lahat kami'y napatingin sa pintuan kung saan nakatayo ang isang babaeng petite at nakatirintas pataas ang buhok. May nakasabit din na Samurai sa gilid ng kanyang damit. Sinipa na ang pintuan dahilan para magsara ito at naglakad sa kinapupwestuhan namin.
"Jackie?" Nangunot ng todo ang noo ni Hamida pagkakita pa lang sa kanya. "Bakit ka nandito?!" Tumaas pa lalo ang boses niya. Galit na galit na siya.
"Don't worry," itinuro niya ang sarili. "I am your ally," proud na proud ang boses nito.
"Ally-in mo ang pagmumukha mo!" Agad na tumayo si Hamida para sana sugurin siya nang bakuran naman si Jackie nina Haji at Slatorino. "Anong ibig-sabihin nito? Kumakampi kayo sa kanya?!"
Inakbayan ng babae ang computer techie sabay ngiti sa aming dalawa. "2 is to three? Okay lang sa akin."
Asar na asar na si Hamida. Parang isang salita na lang ni Jackie, sasabog na siya. Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamay at pinahupa ang galit. Lumipat na rin ako sa pwesto niya at pinaupo siya.
"Oh, akala ko ba lalaban kayo?" She pouted tgen crossed her arms. "Ay, kawawa pala kayo. Bukod kasi sa dalawa lang kayo, mahihina pa kayo."
"Ang yabang mo rin, eh," bulong ko pa.
"May sinasabi ka?" Pilit niyang hinuli ang mata kong panay iwas naman sa kanya.
"Wala..." sabi ko na lang at dumistansya ng kaunti sa kanila.
Sandali kaming binalot ng katahimikan bago pumalakpak si Haji. "Okay, tara na. Simula na tayo," inalalayan niya si Jackie na umupo sa bakanteng upuan, sa tapat pa talaga namin. Katabi ni sa kanan si Slatorino at Haji naman sa kaliwa.
"Ano talagang totoo mong pangalaan?" Sabi ni Haji at inabutan siya ng tubig.
"Jackie Reyes na talaga ang pangalan ko. Sinabi ko na lang sa nagbubunot ng pangalan na huwag nang baguhin ang ilalagay sa nameplate ko."
"Bitchesa," kinurot ko sa likod si Hamida. Baka kasi mas lumala pa ang g**o kapag narinig ni Jackie ang sinabi niya.
"So, bilang bagong miyembro ng grupo, tatanungin ka namin kung ano ang gusto mong itawag namin sa iyo," maawtoridad ang boses ni Slatorino. Parang siya talaga ang leader nitong grupong wala naman talagang pangalan.
"Jackie. Tama na ang Jackie."
Tumango sila. "Okay, welcome Jackie sa aming..." pasimple akong sinipa ni Haji sa ilalim ng lamesa. Nagtatanong siguro kung ano ang idudugtong.
"Brotherhood," pagtutuloy ko
"Good, Brotherhood," napakunot ang noo niya. Hindi niya ata nagustuhan ang name ng group namin. "Simula ngayon, kasama ka na sa pamilya namin. Isa lang naman ang motto namin dito, 'Walang iwanan kung ayaw masaktan'."
"Saan nagsimula yung grupo niyo?" Umupo sa kabilang upuan si Jackie, nakakaramdam na siguro na sa sira siya pumwesto.
"Noong nakaraang linggo kasi, nagkasundo kami na magkaisa para alamin kung sino ang may pakana sa mga pagpatay kaya ayun," pagpapaliwanag niya habang nakataas pa ang mga paa. "Wala pa kaming naiisip na leader so, ikaw na lang kung gusto mo."
Namilog ang mga mata ng katabi ko sabay kinurot ako nang palihim. Hindi niya matanggap na ang isang baguhang tulad niya ang magiging pinuno ng grupo nakin. "Uhm--- bakit parang ang bilis naman ata?" Tumayo ako nang bahagya para mapalapit sa kanila.
"Ganun talaga para mas maging organized ang group natin," parang hindi siya nag-aalangan sa mga sinasabi niya. Hindi niya ba naiisip si Hamida na matagal na naming kasama? "Kapag may pinuno tayo, edi at least hindi na tayo madalas na magtatalo kasi may susundin na tayo."
"Pero bago pa lang kasi siya---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin dahil nagsalita na ang 'leader' kuno namin.
"Huwag kang mag-alala, magaling naman ako pagdating jan," pinaikot niya ang dulo ng nakatirintas niyang buhok. "Magaling akong magpasunod ng mga tao, actually ako nga ang leader ng Corion."
Nalaglag ang panga namin sa narinig. Corion? Paano nangyari na ang isang batang tulad niya ang mag-ha-handle sa isang malaking grupo ng mamamatay tao?
"Malaki ang tiwala sa akin ni Master Yula at napatunayan ko na rin naman sa kanya na karapat-dapat talaga ako na maging pinuno nila," dagdag pa niya.
"See? Kaya dapat siya na ang maging leader natin," pagsulsol ni Haji.
Hindi na maipinta ang mukha ni Hamida sa sobrang galit samantalang kabaliktaran naman ng kay Jackie. Wala akong emosyon na nakikita sa mukha ni Axl dahil busy siya sa device na hawak niya. Hindi ko nga sigurado kung nakikinig pa siya.
"So, anong gusto mong itawag namin sa'yo?" Si Haji lang ang masaya sa buong kwarto.
"Master na lang," sagot ng kausap. "Iyon naman ang tawag nila sa akin."
"Okay, so simula na tayo," kung umasta siya parang siya na talaga ang leader kaya nga ako nagtataka kung bakit kailangang si Jackie pa talaga.
Simula pa lang noong una, hindi na maganda ang tignin ko sa kanya. Plus noong kinuha pa niya ang keycard ni Hamida sa hindi malamang dahilan. Hindi pa nga niya sinauli iyon nang maayos, imbes kasi na ibigay na lang niya, itinapon pa niya sa labas. Inabot pa tuloy kami ng tatlong araw kakahanap sa keycard niya.
"Bakit ka nga pala sumali rito?" biglang nagsalita ang kanina pang nananahimik na si Hamida. "I'm sure na gusto mo lang manggulo rito."
"Haha, of course not. Sumali ako rito kasi sawa na ako na walang kausap," pinaikot niya ang swivel chair at hinarap ang dalawa. "So, kaya kayo nandito para alamin ang mastermind sa mga pagpatay?" Paninigurado pa niya kahit alam naman niya na iyon talaga ang dahilan. Papansin ba.
"Oum," maikling sagot ni Haji.
Dumako ang tingin ko kay Axl na nakatutok pa rin ang mga mata sa screen.
"Well, parang may lead na ako sa kung sino ang gumagawa," pagpapasikat na naman ni Jackie. Hindi ba siya nagsasawang paikutin ang kamay niya sa buhok niya? Nakakangawit kasi para sa akin.
"Sino?" Sa unang pagkakataon ngayon araw ay nagawa na ring ibuka ni Axl ang bibig niya.
"Parang isa siya sa mga facultt members ng Voodos," sinulyapan niya ang galit na galit na si Hamida, nang-aasar siguro. "Noong nakaraang gabi kasi, may nadaanan akong isang opisina tapos nakabukas yung pintuan, so sinilip ko at doon ko nakita si Ms. Ula na may kausap at ang sabi niya sawang-sawa na raw siya sa patakaran ng school kaya niya nagagawa ang mga bagay na iyon,"
"Dahil lang doon?" Napagtaasan siya ni Hamida ng boses. "Hinding-hindi magagawa ni Madam Ula ang ganoong bagay, nagtuturo lang siya rito."
"Yeah, alam ko naman na pinagtatanggol mo siya kaya ka ganyan,"
"Oo, kasi wala naman talaga siyang ginagawang masama!" Hinimas ko ang likod nito at pinabalik sa pagkakaupo.
"Sabi mo, eh" pinaikot na lang niya ang mata at hindi na nagsalita pa
"Mapang-asar," dinampot ko ang panulat at ang papel sa harapan namin at isinulat ang mga pinagsasabi ni Master.
"Anong oras na ngayon?" ibinaba ni Axl ang hawak at ipinahinga ang mata.
"12 noon na," sagot ni Haji, may dala na siyang pagkain ngayon galing sa cafeteria, ninakaw niya lang ata 'yon.
"Kaya pala may nabiktima na naman siya," bumalik na naman siya sa ginagawa makalipas lang ang ilang segundo. 'Di man lang pinaabot ng ilang minuto.
Sabay-sabay kaming tumayo at tinungo ang Wide Plaza kung saan nakahandusay ang isang duguang bangkay. May tattoo ulit ito sa noo at wala na naman ang puso nito.
"No laughing this time," nilitratuhan ni Axl ang katawan, napalingon pa tuloy ang mga tao sa amin dahil sa tunog ng pag-click ng camera.
Gaya ng mga nakaraang araw, nilinis na nila ang katawan at sa 'di kalayuan may grupo ng mga lalaking hindi bababa sa sampu ang dumating. Hinawi nila ang mga tao at mula sa dulo ng hallway, pumasok ang isang babeng nakapusod ang makapal nitong buhok at nakasuot ng pormal, may salamin itong nakasuot sa ulo na parang pa-headband at malaking dyamanteng singsing sa index finger niya. Lahat ng faculty members maging ang Masters ay tumabi at nagbigay-daan sa kanya.
"Who is she?" I whispered
Bahagyang lumapit sa akin si Hamida, hindi pa rin inaalis ang tingin sa babae. "She is the sorceress, also known as the Master of all the masters."