JACKIE
Humakbang ako papalapit sa Sorceress, nagbow ako at binati siya. "Magandang araw, hija," nakangiti niyang sagot. Nagaptuloy siya sa paglalakad kasama ang mga alipores niya, lumingon pa siya sa akin at tinanguan ako simbolo na kailangan kong sumunnod sa kanya.
Ngingiti-ngiti kong tinahak ang kahabaan ng madilim na hallway para lang makarating sa stricted area kung saan nakatayo ang building na tinutuluyan niya. Pumasok ako sa malamig niyang opisna, doon ko siya nadatnan na nagbabasa ng dyaryo, mag-isa. "Good afternoon po, Master."
"Maupo ka," itinuro niya ang upuang nasa harapan ng mesa niya.
Pag-upo ko, tinanong ko kung bakit niya ako pinasunod sa kanya. May kinuha siyang isang libro at binuksan sa bandang gitna. "Nabalitaan ko ang mga ginawa mo,"
"Kayo na rin naman po ang nagsabi na gawin ko iyon," nakayuko lang ako habang kausap siya, hindi kasi siya pwedeng titigan sa mata.
"Masasabi kong hindi masyadong pulido ang gawa mo," suminghap ito. "Pero naiintindihan ko naman dahil bata ka pa lang."
"Paparusahan niyo po ba ako?" Naramdaman kong nanginig ang boses ko, nanlamig din ang mga nakakuyom kong kamao.
"Hindi, sa totoo nga lang natuwa ako kasi maayos mo silang napamunuan," may kinuha siya sa drawer at iniabot sa akin. "Iyan na ang gantimpala mo."
Pinagmasdan ko ang dyamanteng nasa kamay ko, pinilit ko na lang na ngumiti upang ipakita sa kanya na sobra akong natutuwa sa bigay niya. "MAraming salamat po rito,"
"Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang sa akin para matulungan kita," hinaplos niya ang ulo ko. "Sige, may gagawin pa ako."
Tumango ako at sumaludo bago lumabas ng tahanan niya. Doon ko nakasalubong si Axl na may dalang laptop. Kinawayan ko ito ngunit hindi niya lang ako pinansin bagkus ay nagdire-diretso lang sa paglalakad. Hindi niya ata ako nakita. Umupo siya sa sidewalk at nagtipa ng kung ano sa hawak niya. Lalapitan ko na sana siya nang bigla itong magsalita.
"Nakuha ko 'to sa isa sa mga guards ng Grey Hatters Department," nagtipa lang siya nang nagtipa. "Ayon sa CCTV, may dalawang trespassers ang pumasok sa department at pinatay ang mga guards."
"Sino raw sila?" pinilit kong magmukhang inosente. Alam ko naman kasing sina Jared at Death Slayer iyon.
"Nakausap ko sila noong nakaraang araw, sila pa nga ang nagdala sa akin sa Corion," nag-angat siya ng tingin sa akin, " Alam ko na ikaw ang pinuno nila."
Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ko. "Ako nga,"
"Bakit mo sila inutusang kunin ako?" ibinalik niya ang mata sa ginagawa. "Masyado sigurong seryoso iyan kaya pinagawa mo sa kanila ang bagay na iyon."
"Uhm--- hidni naman."
"Sanay ka lang talaga pumatay," hindi siya nagtatanong sa tono ng boses niya. "Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa?"
"Marami akong pinagkakaabalahan kaya pinagawa ko na lang iyon sa kanila," mahinahon ang pagsasalita ko na parang walang pinagsisisihan.
"Bakit mo ba ako pinakuha?"
Huminga ako nang malalim, "Gusto ko sanang malaman ang mga bagong miyembro ng Walton League."
Inayos niya ang bridge ng salamin niya. "Para saan naman?"
"Gusto ko lang na malaman kung sino ang mga bago kong kakalabanin," diretso kong sagot. "Para masigurado ko kung para kanino ako nagsasanay."
"Hmm... hindi mo ba naisip na pwedeng hindi kita tulungan?"
"Naisip ko naman iyon kaya nga ako naghanda ng mga bagay na pwede kong ibigay sa iyo kapalit ng pagtulong mo sa akin," inilabas ko ang dyamante na bigay sa akin ni Master.
"Iyan ang ibibigay mo sa akin?" tinapunan lang niya nang tingin ang hawak ko.
"Mukhang hindi ka interesado---"
"Hindi talaga," pamumutol niya sa pagsasalita ko. "Hindi ko kailangan niyan."
Nag-iwas ako nang tingin, binalot ko ulit ang bato sa palad ko at itinago sa bulsa. "Ano bang gusto mo?"
Kumunot ang noo niya at isnara ang laptop. "Hindi mo makukuha sa akin ang gusto mo kaya please h'wag ka nang lumapit pa sa akin." tumayo siya at iniwan ako sa gilid.
Sumama bigla ang titig ko sa kanya. Bakit ba napakahirap para sa kanya na tumulong? Pati ang dyamante tinanggihan niya.
"Master," si Jared
Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang sasabihin niya.
"Nagawa na namin ang pinag-uutos mo," tinutukoy niya ang pagkuha nila kay Axl.
"So?"
"Paano naman ang hiling namin?"
Tumapat ako sa kanya para magtama ang aming mga mata. "Saka na iyon," nilampasan ko siya at hindi na lumingon sa mga pagtawag niya. Hinabol pa nga niay ako pero tinulak ko lang siya. Wala na akong pakealam kung masaktan pa siya, eh sa makulit siya.
"Naiinis ako," singhal ko. Inabutan naman ako ng kasamahan ko ng tubig. "Bakit kaya ayaw niya akong tulunagn?!"
"Baka po kasi may iba pa siyang gustong makuha,"
"Hindi pa ba sapat ang dyamante?" hinablot ko ang papel na hawak niya agt pinagsisira. Bumakas naman sa mukha nito ang labis na gulat.
"BAKIT MO GINAWA 'YON?!" humagis sa kung saan ang upuan niya. "NANDOON LAHAT NG NOTES KO!'
"Pinagtataasan mo ako ng boses?" tinapon ko rin ang upuan ko, "Gusto mo na bang mamatay?"
"Nandoon lahat ng pangalan nila---"
"Kaninong pangalan?"
Natahimik ito, namula ang mukha at namutla ang labi. "Sinu-sino ang mga nakalagay sa notebook mo?" pag-ulit ko pero hindi pa rin siya sumagot.
"Okay, choice mo na rin 'yan," mabilis kong hinugot ang samurai na nasa bulsa ko at itinarak sa leeg niya, inihiga ko siya sa ibabaw ng desk at dinukot ang puso nito. Pinagmasdan ko ang lahat ng nakakita sa ginawa ko at sinenyasan na umalis na sila kung ayaw pa nilang madamay. Nagpunta ako sa lungga ko at idinagdag sa koleksyon ko ang puso ng nakakairita kong aso.
"Mukhang nagiging active ka na ulit," bungad ni Master Yula paglabas ko sa bahay-bahayan ko. "Hindi kaya maubos na kami niyan?" biro pa niya
"Yung mga walang kwenta lang naman ang tinatapos ko, pero yung mga napapakinabangan, hinahayaan ko" inabot ko sa kanya ang mata na kahapon pa niya sa akin hinihingi. "May idadagdag ulit kayo sa collection niyo,"
"Nagpapayabang lang para kapag dumating ang liga, dapuan naman sila ng takot kahit papaano,"
Naglakad ako papasok sa building ng Corion kung saan namamalagi ang bihag ko, si Axl. Pinuntahan ko siya sa opisina at nadatnan siyang nakasubsob sa lamesa, may laptop sa kanan niyang kamay at may hawak naman siyang ballpen sa kaliwa. Lumapit ako at inangat ang ulo niya, natutulog siya.
"Respeto," natulala ako, gising pala siya. "Pinapahinga ko lang ang mata ko."
Ibinagsak ko ulit ang mukha niya at umupo sa sofa, pinagkrus ang mga paa at tumingin sa kanya. "Ano ba ang gusto mo?"
Hindi ito sumagot.
"Inuulit ko yung tanong ko---"
"Kapag hindi ako sumagot ibig lang noon sabihin, ayoko sumagot," iniangat niya ang ulo at nagtipang muli
"Tingnan mo, kapag sinabi mo sa akin kung ano ang kapalit, makukuha mo kaagad iyon nang mabilis. Matulog ka lang tapos paggising mo, nanjan na!"
"Paano kung hindi ako natutulog?" Pamimilosopo niya pa. "Hindi ako antutulog," pag-uulit niya.
Napapikit na lang ako sa inis. Hindi niya lalo gagawin ang pinag-uutos ko kung dadaanin ko siya sa marahas na paraan. Kailangan lang, malaman ko kung ano ang kailangan niyang kapalit.
"Ano ang gusto mo?" dumikit ang dulo ng Samurai sa leeg niya.
"J-Jackie..."
"Oh, bakit ganyan ang boses mo?" idiniin ko pa lalo ang hawak. "Takot ka?" pang-aasar ko pa.
"Jackie... please..."
"Please ano?" panggagaya ko sa boses niya "Please kill me?"
Nanginig bigla ang mga kamay niya, hindi na alam kung ano ang gagawin. "H-hindi..."
"Ano? Tutulungan mo na ba ako?'
Bahagya siyang tumango. "Basta tulungan mo ako..."
"Na ano?"
"Makalabas dito."