Halos kalahating minuto akong naglakad at doon ko pa lamang natanaw ang malaking gate na hinahanap ko. Medyo malayo iyon sa ibang bahay pero tanaw naman dahil na rin sa napakalaking gate nito na naiiba rin ang kulay sa iba. Ang mga nadaanan ko ay kulay itim ngunit ito ay kulay ginto. Ito rin ang pinakamalaki at bigla akong nalula ng maisip ko na ako ang maglilinis noon lahat.
Bago yata ako matapos ay lumpo na.
Natatakot man dahil sa kakaibang aura ng lugar na iyon na parang kahit bahay pa lang ang nakikita ko ay tinatarayan na ako at sinasabing hindi ako bagay roon ay nilakasan ko ang loob sa paglapit sa gate. Hindi ko malaman kung papano ako papasok o kung may doorbell ba o kung ano.
Dapat talaga sinamahan ako ni Tiya Loring e!
Sumilip ako sa loob at halos mapatalon ako ng magkita ako ng isang matandang lalaki sa loob na inaayos ang mga halaman. Ito siguro ang hardinero dito.
Tatawagin ko pa lamang sana siya pero nakita na nya ako ng lumingon sya sa kinatatayuan ko. Nagtataka man ang kanyang ekspresyon ay nagbago iyon ng parang may maalala.
Agad naman syang lumapit at binuksan iyong napakataas na gate. Sandali ko pa iyong hinawakan dahil lubusan akong namangha sa kintab niyon. Tunay kayang ginto ito?
"Hija. Ikaw ba ang bagong katulong na sinasabi ni Loring?" Kita ko pang pinagmasdan niya ang kabuuan ko bago tumingin sa akin at ngumiti.
"ah opo. Ako po" magalang kong sagot pero muli nya akong pinagmasdan. Naiilang alo dahil parang hindi sya makapaniwala na ako ang nasa harapan nya. May mali ba? Napansin naman nya ang pagkailang ko kaya bahagya syang natawa.
"nako pasensya na hija. Hindi lang ako makapaniwala na ganitong dalaga ang kinuha ni Loring. Ngayon lang kasi magkakaroon ng kasambahay dito na hindi matanda. Ayaw kasi ng ser ng bata-bata e. Wala bang nabanggit sayo si Loring?"
Sabi niya habang iginigiya ako papasok ng bahay at kinuha pa ang isang bag na kapit ko upang tulungan ako. Naguguluhan man ay umiling lamang ako. Wala namang nabanggit na iba si Tiya Loring. May kakaiba ba dito? Am I in danger?
Nakita ko ang pag-iling ng matanda pero nawala rin agad ang atensyon ko sa kanya ng makita ang kabuuan ng nasa harapang bahay or mansion 'cause that is what it looks like. Parang palasyo at mayroon isang prinsesang malungkot na naninirahan sa loob. Kahit kasi sobrang ganda talaga niya, parang pagpinakatitigan mo ay may makikita ka pa ring lungkot. Ang kulay ay puti at pinaganda iyon ng kulay ng ginto dahil parang iyon ang nagpapakita ng bawat disenyo ng mansion. Mas pinatapang niyon ang itsura ng bahay.
Nakita ko rin ang garden na inaayos ni Manong kanina at napakalawak niyon. Kakaunti lamang ang nakatanim ngunit maganda pa rin iyon sa mata. Napakaeleganteng tingnan. Mukhang mas mayaman pa sa akin iyong mga halaman.
Pagkatapos ng ilang lakad ay narating namin ang napakalaking pinto. Binuksan iyon ni Manong at halos malula na ako ng makita ko ang kagandahan at kalakihan ng loob.
"wow" hindi mawala sa akin ang pagkamangha. Kanina pa ako namamangha sa lugar na ito. Hindi ko alam na may ganito pala talaga na dati ay sa telebisyon ko lamang nakikita.
"napakalaki ano hija? Noong una ay ganyan din ang reaksyon ko pero hindi naman ako tinuluan ng laway" Halos matampal ko naman ang bibig ko sa biglang pagsabi niyon ni Manong pero wala naman akong nahawakan na laway. Napasimangot naman ako roon.
"Manong naman e. Ang ganda po kasi. Ngayon lang po ako nakakita ng ganito" paliwanag ko habang ang mga mata ay umiikot pa rin sa kabuuan ng mansion.
"maganda talaga sa mansion na ito hija. Siguradong mahihirapan ka sa paglilinis nito pero tutulungan naman kita." Nakatayo lamang kami roon at parang hinahayaan nya akong busugin ang mga mata ko sa magandang tanawin ng humarap sya sa akin.
"teka nga, ikaw ba talaga ang bagong pamalit kay Loring? Hindi ba at mayaman ka rin? Baka hindi ka sanay sa mga gawaing bahay hija" halos mapahagalpak naman ako sa sinabi ni Manong. Me? Rich? Is that some kind of a joke?
"ah Manong hindi po ako mayaman. Talagang kailangan ko rin ho ng trabaho." nagulat naman syang sabihin ko iyon at muling napatitig sa mukha ko bago muling nailing.
"nako pasensya na hija. Mukha ka kasing mayaman at napakaganda mo pa. May lahi ka ba? Ang ganda rin ng iyong kutis"
"yung nanay ko po, australian." Nang sabihin ko naman iyon ay parang nasagot lahat ng katanungan niya.
Bukod kasi sa pangalan ng nanay ko na Eliena Gracen ay nabanggit rin sakin ng mga kapitbahay namin na australian daw ang nanay ko. Naging malapit din daw kasi ang nanay sa kanila mula ng lumipat kami sa bahay namin na yoon noong isang taong gulang pa lamang ako. Hindi sila kasal ni Tatay at ang ginagamit kong apilyido ay ang sa Nanay ko.
"ay kaya naman pala napakaganda mo. Sya, tara na sa iyong kwarto at ng ika'y makapahinga at bukas ka na magsimulang magtrabaho." sabi niya habang naglalakad kami patungo sa kwartong sinasabi niya.
"ako nga pala ay tawagin mo na laang Mang Nestor. Iyon ang tawag sa akin ng mga taga-rito. Ako din ang hardinero ng karamihan sa mga mansion rito sa loob ng subdivision kaya araw araw halos akong narito, nasa iba iba nga lamang na bahay. Dito naman kay sir ay maglilimang taon na rin siguro ako kaya kapag may kailangan ka ay huwag kang mahihiya sa akin magtanong. Atsaka araw araw din pala ako rito sa mansion na ito, nililiguan ko kasi lagi si Xyl at pinapakain." mahabang lintanya nya.
So Xyl is the name of my employer, pero nililiguan at pinapakain? Is my boss disabled? Bakit kailangan paliguan pa sya? Hindi ba nya kaya paliguan ang sarili nya? Iyon ba ang magiging trabaho ko dito?
Itatanong ko pa sana kung bakit kailangan pa syang paliguan or kung matanda na ba ang amo ko pero hinayaan ko na lang dahil baka isipin ni Mang Nestor nagrereklamo ako agad e kakarating ko lang.
Bakit ba kasi basta ako pumayag sa alok ni Tiya Loring tas hindi man lang ako nagtanong ng dadatnan ko dito? Hindi rin naman nagkwento si Tiya Loring.
Nang makarating kami sa kwarto na nakalaan para sa akin ay iniabot na ni Mang Nestor ang bag ko at nagpasalamat naman ako sa kanya. I was about to open the door when I realized that I haven't introduce myself to him kaya muli ko siyang binalingan.
"ahm. Mang Nestor, ako nga po pala si Aveline" Nahihiya kong pagpapakilala sa kanya at sya naman ay tumango lamang at nagtuloy na sa pag-alis dahil tatapusin pa daw niya yung pag-aayos ng mga halaman sa labas.
Ako naman ay pumasok na rin sa loob ng kwarto at mayyroon lamang iyong isang single na bed at maliit na couch sa tabi. Mayroon ding maliit na lamesa sa tabi ng bed at isang cabinet na mapaglalagyan ko ng damit.
Nagkita ako ng isang pinto sa tabi niyon at walang pag-aalinlangan ko iyong nilapitan at nagulat ako na may sarili akong banyo. The owner must be really rich na pati maid may sariling CR.
Matapos pagmasdan ang kabuuan ng kwarto ay pagod na pagod akong naupo sa kama. Napakalambot niyon na automatic na deretso higa na ako.
Ipinikit ko ang aking mga mata at muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina habang paparito ako. Kailangan ba talaga na ako ang magbayad non? Bakit ganon, kahit may galit ako sa tatay ko, kahit alam kong hindi naman nya ako inalagaan o itinuring na anak man lang ay hindi ko matiis? Dahil ba obligasyon ko iyon? Pero ang unfair naman kase. Bakit siya yung may utang pero ako yung kailangan mamroblema non? This is so fuckin' unfair.
Patuloy ako sa pag-iisip kung papaano ako hahanap ng kalahating milyon na iyon ng hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng dilim sa isang mahimbing na pagkakatulog.