bc

Love, Freya

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
powerful
heir/heiress
blue collar
bxg
lighthearted
mystery
loser
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Every girl wishes to be a princess with a big castle and long beautiful gowns and dresses. She wanted a life that is easier for her and where she'll feel safe. A life that has everything she needs and wants. But to Freya, it's different.Problems are everywhere, sadness always accompany her, the joy left her, the feeling of love lost in her and when she found it, she's hurt and she hurt. She never wished for it to a fairy godmother."Pwede bang ako naman? Tayo naman?'Napakaigsing salita pero hindi nya alam kung papano nya sasagutin. Kumokontra ang isip nya sa puso nya at unti-unti, nawawala ang 'happily ever after' na nakikita nya sa mga prinsesa at prinsipe.Right then, she realized she's not a princess. She isn't like Cinderella, Snow White, or Rapunzel who have their own prince charming, and she's not as brave as them.For her, It's only 'Hi, Lance' that ends with 'Love, Freya'

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Please..please let me go. Please. I..I promise, I'll find ways. I...l'll pay you just..just give me time! I won't run! I won't hide! Promise! Just please, please d..don't kill me. I'll pay you. Don't kill me" Maybe the hardest thing of being a bad person's daughter is this. Running away cause there's always people who's running after you. It's so hard to leave normally just like others do. In my twenty three years of existence, three years of them has always been like this. "How can I be sure? How can I trust you?" The old man, in his 60's I think, ask while looking devilishly at me. That looks scares the hell out of me but I should be brave. Hindi pwedeng bigla na lamang akong mahimatay dito dahil baka tuluyan nila ako. I know bad guys like them won't have mercy to some trash like me. "I promise. Just believe in my words. I'll find ways. Just give me time" Before, I used to run fast and be in crowd with a lot of people when I know that their coming but now, they got me. This is the first time that they caught me. If it's not because of that s**t police man then I'm sure I wouldn't be in this position. "Lagi mo nga kaming tinatakbuhan e bago sasabihin mo hindi ka tatakas? Anong palagay mo samin tanga na maniniwala sayo?!" The guy beside the old man shouts. I almost rolled my eyes on him but I should be a good princess right here, right now. Alam ko na may gusto sakin itong matandang pinagkakautangan ni tatay at matagal na nyang gusto na ako ang ibayad sa kanya pero hindi ako pumapayag. Kahit anong pilit at taboy sakin ng ama ko papunta sa matandang to ay hindi ako pumapayag. No freaking way! I won't never be a wife of this old ugly fat man! I look straight at the old ugly man's eyes. "I promise. Hindi ako magtatago. Babayadan ko ang utang ni tatay. Gagawan ko ng paraan bigyan mo lang ako ng panahon" I said and I don't know how I manage to say that without stuttering. Being surrounded by five tall and big guys is so scary but I am trying to be strong. Hindi sila maniniwala sakin kung pahina-hina ako. The old man walk near me with a smirk on his ugly face. Lumuhod siya hanggang sa magkapantay ang mga mukha namin at doon ko lalo nakita ang kapangitan nya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami dami nyang pera ay hindi nya magawa ang magparetoke. Kaya pa naman siguro kahit kulubot na yung mukha nya. "Hmmm. Alejandro's daughter is really something, feisty, that's why I like you." then he move his face closer until his mouth is an inch apart from my ears and whisper. "I want to know if you're also like that in bed darling" I almost spit in his ugly face because of that. Akala ba ng matandang to e ang gwapo nya? O lakas na lang talaga ng loob? tsss. He stood up and again shows his ugly face with a smirk. I am just staring at him and trying to be alert because I don't know what's in their mind. Baka bigla na lang may umatake kung saan. I don't know how to fight physically kaya dinadaan ko sa paraang alam ko. Para saan pa ang ganda ng mukhang namana ko sa nanay ko kung hindi ko gagamitin diba? "Okay. I'll give you a month- oh no, let's make it two for that half million pesos because you are so pretty darling. I want it fully paid by that time. And if not, well, get ready for our wedding and prepare your body cause I'll make you so tired that you can't walk for a week" then he wink at me. And what the damn hell? E sya nga yung parang ten minutes pa lang na lakad e masakit na ang kasu-kasuan? "Let's go" Doon lamang ako nakahinga ng maluwag ng ayain na nya ang mga alipores nyang panget katulad nya. Nakita ko pa ang masamang tingin sa akin ng isang matabang alipores nya na mukhang pagod pa dahil sa paghabol sa akin. Hindi kasi kumuha ng bata-batang bodyguards para hindi mabilis mapagod. Kasamahan nya pa yata sa pagzu-zumba yong mga yon. I immediately stood up when they're out of my sight. Pinagpagan ko ang pantalon ko na nadumihan at maging ang suot kong tshirt na halata na ang kalumaan na kulang na lang ay magkaroon ng butas ay mapagkakamalan ng basahan. Binitbit ko ring muli ang dalawang may kalakihang bag na kapit ko kanina na naglalaman ng mga damit ko at pangangailangan. Kailangan ko pa makapunta sa bahay na papasukan ko. Natanggal kasi ako sa trabaho ko sa fast food dahil nalaman ng matandang hukluban na yon na doon ako nagtatrabaho kaso ay nahuli na rin naman ako. Isa pa yong matandang pulis na yon. Matagal na rin iyong nagpaparamdam sakin pero ginagawan ko talaga ng paraan para hindi kami magkatagpo. Sa dami dami naman kasing lalaki sa mundo bakit laging matatanda ang nagkakagusto sakin? Mukha na ba akong lola? Jusko. Ipinasok ako ng kapitbahay namin na katulong sa isang subdivision. Hindi ko pa nakikita ang bahay pero sabi sa akin ay malaki raw iyon at iisa lamang ang nakatira na lagi pang wala dahil sa may trabaho ito. Sa mahigit dalawang taon raw niyang pagtatrabaho doon ay mabibilang sa daliri kung ilang beses nya lamang iyon nakita. Hindi naman siya stay in kaya siguro ganon. Tatlong beses lamang siya kung pumunta doon sa isang linggo at ngayon lamang sila kumuha ng stay in. Pumayag na rin naman ako agad dahil maganda ang pasweldo. Naisip kong maganda sya noon dahil mas mapagtataguan ko yung matandang yon dahil hindi basta-basta nagpapapasok roon. Mayayaman ang nakatira at napakahigpit ng security. Maging ang ama ko ay hindi rin ako basta basta magagambala roon. Iyong mga humahabol sa akin kanina, ang matandang iyon na si Alberto ay dating katrabaho ni tatay. Hindi ko alam kung anong trabaho pero iyon ang sinasabi sakin ni tatay dati. Hindi kami magkasundo ng ama ko kahit noon na bata pa lamang ako at kahit kelan hindi ko naramdaman na anak nya ako. Ang nanay ko naman ay wala na raw. Iyon ang sabi sakin ng mga kapitbahay namin pero hindi ng tatay ko. Hindi ko naman kasi nakakausap ng matino iyon. Laging galit sa akin. Noong una ay hindi talaga ako nakikialam sa kanya. Nakatapos ako ng kolehiyo at naging isang guro at kahit piso ay wala siyang nagastos sakin sa pagaaral ko. Lagi akong scholar at nasanay naman ako na walang baon. Kung may babayaran man ay pinagtatrabahuhan ko sa kapitbahay namin na matanda na napakabait sa akin. Nagulat na lamang ako noong makagraduate ako ng college na may lagi ng nakasunod sa akin at mayroon daw utang si tatay sa kanila. Akala siguro nila ay makakasingil sila sa akin dahil tapos na ako sa pagaaral at magkakatrabaho na. Naguluhan ako noon kaya nagtanong ako sa ama ko pero ang nangyari ay pinipilit nya ako na sumama sa pinagkakautangan nya para mabayaran na daw. Nagalit ako ng sobra noon at naisumbat lahat ng pagkukulang nya pero isang mag-asawang sampal lamang ang natanggap ko. Ni hindi nya sinabi kung san nya dinala iyong kalahating milyon na yon! Habang tumatanda ako ay doon ko naiintindihan na illegal ang trabaho niya. Mukha rin naman kasing adik ang mga kasama nya kaya hindi nakapagtataka. Mahigit raw kalahating milyon ang utang ni tatay at tuwing hinahabol nila ako ay wala akong ibang magawa kundi at tumakbo rin at magtago dahil wala naman akong pagkukunan ng kalahating milyon. Galit na galit ako sa ama ko dahil dinala nya ako sa ganitong sitwasyon pero wala na akong magagawa. Kung sana ay narito pa ang nanay ko ay hindi siguro ganito ang nangyayari sa buhay ko. Limang taon pa lang ako ay namatay na ang nanay ko dahil sa isang sakit. Akala ko noon ay nasa trabaho lamang sya sa La Union at kung hindi ko pa narinig na pinaguusapan ng mga kapitbahay namin ay hindi ko malalaman. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya nakalibing dahil ayaw sabihin sa akin ni tatay. Punong-puno na ng hinanakit ang puso ko sa ama ko at minsan, kahit mali, hiniling ko na sana hindi na lang sya ang ama ko. Nang makita ko ang gwardya ng subdivision ay agad kong kinapa ang bulsa ng aking lumang pantalon at iniabot ang isang id para papasukin daw ako. Ibinigay iyon sa akin ni Tiya Loring na syang dating nagtatrabaho dito at sya din ang nagpasok sa akin bilang kapalit niya. Tumigil siya dahil nanganak ang anak nya at walang magaalaga sa bata. Siya na daw muna ang inusap ng kanyang anak. "Sige pasok na po kayo Ma'am" magalang na sabi sakin ng guard at ngumiti bago ako igiya papunta sa may gate. Tinignan ko ang gate at makikita roon ang malalaking letra na nakaarko sa harapan. Miranda Subdivision. Napakataas rin ang gate at talagang walang basta basta makakapasok. Malayo ito sa tinitirhan ko pero iyon naman talaga ang gusto ko. Para hindi ko lagi nakikita ang tatay ko. Itinanong ko muna sa guard kung nasaan ang bahay na nakasulat sa papel na hawak ko na bigay rin ni Tiya Loring. Nakita ko pa ang gitla sa mukha niya bago itinuro sa akin ang direksyon. Gusto ko mang usisain kung ano ang meron ay hinayaan ko na lamang dahil mukhang mahaba haba pa ang lalakarin ko. Sabi kasi nya ay deretsuhin ko lamang ang daan at makikita ko rin daw yon agad dahil iyon ang pinakamalaki at pinakadulo. Iyon din daw ang may pinakamalaking gate at may nakaarkong muli na salitang Miranda. Malaki ang subdivision na ito kaya alam kong malayo rin iyong dulo na sinasabi niya. Nagsimula akong maglakad at nasa unahan pa lang ako ay hindi na naging tago sa mukha ko ang pagkamangha. Ang lalaki ng bahay at napakagaganda niyon. Halata mo talaga na napakayayaman ng mga nakatira. Walang wala ang maliit naming bahay na parang isang bagyo na lang ay tutumba na. Kung itatabi iyon dito ay baka mas maganda pa ang bahay ng aso ng mga nakatira rito kesa sa bahay namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.3K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.1K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
21.2K
bc

The Baby Clause

read
2.9K
bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.1K
bc

Ava

read
2.6K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook