DALAWANG linggo na rin ang lumipas buhat nang maihatid sa huling hantungan ang mga labi ni Don Ignacio. Dalawang linggo na rin siyang nangungulila sa piling ng ama. Hindi niya lubos aakalain na ang huling punta niya ng mansyon ay ang huling pagkikita at pag-uusap nila ng ama. Iyon na rin ang huling beses na nayakap niya ito. Naiintindihan niya kung bakit nilihim ng ama ang tungkol sa sakit nito pero sana kahit sa huling mga sandali nito ay na samahan niya at naalagaan manlang sana niya ito. Hindi na naman niya maiwasan huwag malumbay at maiyak sa mga sandaling iyon. Ngunit kaagad din niyang kinalma ang sarili. Pinahid ang mga luha sa pisngi pagkatapos ay lumabas ng sariling silid. Naghihintay sa kanya ngayon sa unang palapag ng mansion ang abogado ng kanyang ama. Marahil ay para sa hul

