Hindi malaman ni Jeannie kung matatawa o maiiyak sa naging resulta ng huling testamento ng yumaong ama. Palakad-lakad siya sa loob ng silid na tila gusto ng sumabog sa prustasyon at sa mga katanungan hindi na yata magkasya sa isip niya. Naninikip ang dibdib niya sa labis na sama ng loob. Ano ang naging kasalanan niya sa ama para gawin ito sa kanya? Naging mabuti naman siyang anak. Well, everything changed when she moved to the city but still isn't enough reason to take all of her inheritance from her. At ano naman ang gustong mangyari sa kanya ng kanyang nasirang ama? Ang maghirap? Magmalimos? Paano na ang mga pangangailangan niya? Ang mga luho na nakasanayan niya mula pagkabata? Paano na siya ngayon? He left nothing for her. As In nothing! Kahit yata sa google or Webster or kahit saan

