Marahang iminulat ni Jeannie ang mga mata habang hinihilot ang humahapding sintido. Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang nagdaang gabi kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagtantong wala siyang anumang saplot sa katawan. Nagtagumpay ba ang mga impaktong lalaking iyon sa panghahalay sa kanya? At saan siya dinala ng mga ito? "Hindi! Hindi!" Gusto niyang humagulhol at magwala sa mga sandaling iyon nang bigla siyang natigilan. Wala siyang maramdamang palantandaan ng panghahalay sa kanyang katawan maliban sa pananakit ng kanyang ulo. Gayon nalang biglaang pananalasa ng kaba sa dibdib niya. Bago magdilim ang paningin nita ay mawalan ng malay ay huling nakita niya ang pamilya na bulto ni si Terrence. Hindi kaya--‐-namilog ang kanyang mga mata sa pakaisiping b

