Nagdiriwang ang lahat. Sinimulan na nila ang pagkain ng masasarap na siyang nakahain sa malawak na mesa. Sa isang mesa kung saan nakaupo si Sam at Damien ay tanaw nila ang masayang mukha ng mga naroon. Tila sabik sa handaan at pagdiriwang. Paanong hindi? Bukod sa kanilang pag-iisang dibdib ay simula na rin ito ng pamumuno ng Salinlahi hindi lang sa kanilang nasasakupan kundi maski na rin sa Republika. Uminom ng alak si Damien at napatingin kay Sam na wala pa ring imik at hindi man lang hinagalaw ang kanyang pagkain. "Kumain ka. Kakailanganin mo ang lakas." wika nito kay Samantha. Hindi umimik si Sam at nanatili lang na iwas ang pansin kay Damien. "Asawa mo na ako, kaya susundin mo ako. At kapag sinabi ko na kumain ka, kumain ka." Gigil na wika ni Damien. Tila hindi naman nagustuhan

