Nagising si Brix na halos pumintig sa sakit ang kanyang ulo. Ganoon pa man ay agad na tumuon ang pansin niya sa babaeng nagbibihis sa harapan niya. Napamura siya sa kanyang isipan ng maalala ang mga nangyari kagabi. Ang paglalasing pati ang nangyari sa kanila ni Maria. Hindi niya alam ang pumasok sa isipan niya. Pakiramdam niya ay isa siyang gagong nawala sa katinuan na dahil sa sakit na nararamdaman dulot ng paghihiwalay nila ni Sam. At ito ay nagawa niya pang mandamay ng iba. "Mahal na Prinsesa," wika ni Brix bago napaupo sa kama. Napalingon sa kanya si Maria na ngayon ay ikina-kabit ang suklib ng kanyang bra. "Prinsesa? Mas gusto ko na Maria, kagaya lang ng tinawag mo sa akin kagabi." Ngiti pang sabi nito sa kaniya. "Alam ko, pero pasensya na kagabi.." hingi niya pa ng paumanhin di

