Hindi ininda ni Isaac ang gutom niya, masundan lamang ang kanyang fiance. "Malakas ang kutob kong nahuhulog na ang loob mo kay Jacob, Jewel... at hindi ko naman hahayaang mangyari na isang kagaya niya lang ang magiging ka kumpitensya ko sa puso ni Jewel!" sambit ni Isaac sa kanyang isipan habang nagmamaneho. Bigla namang nag ring ang selpon ni Isaac at tumatawag na pala sa kanya ang unknown number. Hindi sana niya ito sasagutin subalit makulit ang tumatawag kaya wala siyang ibang choice kundi sagutin ito. "Please refrain from calling me kung sino ka man. I am driving so I cannot spend my time over the phone!" "Sir pasensya na po, nag log kasi kayo sa guard kanina kaya nakuha po namin ang number ninyo. Si Gina po ito, ang kasambahay po sa mansyon ni Madam Selena!" Huminahon namang b

