Jewel found herself desiring him at this time, gusto niyang kayakap ang katawan ni Jacob. "Bakit kita niyayakap? Kasi gusto ko lang sanang sabihin sayo na hindi ako nandidiri sayo, Jacob! Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging isang mapagkumbabang tao. Alam ko na may doubts ka pa rin sa inaasal ko pero gusto ko lang sabihin sayo na-" "Enough with that! Wag mong chansingan ang fiance ko Jacob! Trust me, you don't want to get on my bad side so you'd stay out of her!" Pumiglas si Jewel sa pagkakayakap niya kay Jacob at napatitig kay Isaac na sobrang sama ng tingin kay Jacob. "Why the f**k are you here Isaac? Did I not tell you I can handle this alone? Hindi mo na kailangan pang pumunta dito!" "Sus! Sinasabi ko na nga ba... pinag titripan niyo lang akong dalawa!" sambit ni Jacob.

